Pagkakaroon ng makalat at magulong mesa ay senyales daw ng pagiging matalino at malikhain - The Daily Sentry


Pagkakaroon ng makalat at magulong mesa ay senyales daw ng pagiging matalino at malikhain




Albert Einstein/photo courtesy of the Plaid Zebra



Ayon sa isang pag-aaral, senyales daw ng isang matalino at malikihain ang isang taong may magulong mesa o work area.

Ngunit tila taliwas ito sa madalas nating naririnig mula sa ating mga magulong noong tayo ay bata pa na palaging linisin at ayusin ang ating mga kapaligiran kung saan tayo ay naglaro, o maging ang ating pinagkainan. *


Ayon sa pagsusuri na isinagawa ng University of Minnesota, sinasabi na ang mga taong nagtatrabaho na mayroong magulong workstation ay mas malikhain at madiskarte kumpara sa mga taong laging nililinis ang kanilang mga mesa.

Dagdag pa ng pagsusuri, mas maraming nagagawang trabaho at mas nakapaglalabas ng kanilang talino at ideya ang mga taong nagtatrabaho ng may magulo ang work desk.

Ilan sa mga rason mula sa pag-aaral ng University of Minnesota kung bakit senyales ng pagiging matalino ang magulong lamesa. 

Una raw dito ay hindi raw nalilimitahan ang pagiging mapamaraan at malikhain ng isang taong walang sinusunod na sistema, kabilang ang pag-aayos ng kanilang office desk.

Pangalawa, mas maraming nagagawang trabaho ang mga taong may makalat na mesa dahil sa mabilisang  paghahanap ng solusyon sa mga sulirain. Dahil na nga sa kanilang magulong mesa, 

kadalasan sila ay nagmamadali sa paghanap nito, na kung minsan ay hindi mahanap ang mga mahahalagang bagay na kailangan sa trabaho. Kaya naman sila ay nakahahanap ng alternatibong solusyon at ideya sa kanilang mga trabaho.

“Disorderly environments seem to inspire breaking free tradition, which can produce fresh insights, while orderly environments, in contrast, encourage convention and playing it safe,” paliwanag ni Kathleen Vohs, psychological scientist ng University of Minnesota. *

Sumang-ayon naman Northwestern University sa pag-aaral na ginawa ng University of Minnesota. Kung saan ayon sa pagsusuri mas mabilis humanap ng solusyon at mas malikhain ang mga empleyadong mayroong magulong mesa sa kanilang pinagta-trabahuhan.

“Being in a messy room led to something that firms, industries, and societies want more of: Creativity,” pahayag ni Vohs.

Dagdag pa rito, ang magulong workdesk daw ng isang nagtatrabaho ay palatandaan ng mas madali nilang naa-access ang mga kailangan nila upang matapos agad ang kanilang trabaho.

At panghuli, sinasabi sa pag-aaral na ang madalas na pag-aayos ng mga gamit ay nagdudulot nang pag-ubos sa enerhiya bago pa man simulan ang isang gampanin. 

Kadalasan pa umano, bago pa man magsimulang magtrabaho ang mga taong masisinop ay nililinis muna nila ang kanilang mesa na siyang nagpapatagal at kumukonsumo sa kanilang pagod at oras. 

Madalas ay nasisira ang focus ng isang taong masinop kapag may nagulo sa kanyang gamit, at nadadamay na ang kanyang pagtatrabaho.

Binigay na halimbawa din ang ilang sikat na personalidad tungkol sa pag-aaral na ito ang pagiging matagumpay at aminadong walang panahon para linisin ang kanilang mesang ginagamit sa pagtatrabaho. 


Kabilang sa mga kinikilalang tao na hindi rin maayos ang mesa ay sina J.K Rowling, author ng Harry Potter, Steve Jobs, Thomas Edison, Mark Zuckerberg, at maging ang henyo na si Albert Eistein.

Sa kabilang banda, hindi naman daw masama ang pagiging malinis at organisado. Marami din naman daw itong naibibigay na benepisyo at naka-depende naman daw ito sa personalidad ng isang tao kung ano ang mas kapaki-pakinabang sa kanya