Photo credit to Vergel Meneses, Laking Bulakan Facebook page |
Sinasabing sadyang kilala daw ang mga Filipino sa pagiging masining at malikhain. At ngayon nga, isa na namang Filipino na tubong Bulacan ang nakalikha diumano ng isang obra na sinasabing muling magbibigay ng pagkakilanlan sa bansa lalo na sa bayan ng Bulakan.
Kilala din ang mga Filipino sa pagkakaroon ng lakas ng loob at hindi pagbitiw sa pag-asa sa kabila ng mga trahedya at suliranin.
At ngayon ngang patuloy pa din ang paglaganap ng Coronavirus Disease or COVID-19, gumawa ng isang 'artwork' ang Bulakenyong pintor na si Christian Joy 'CJ' Trinidad na talaga nga namang pumukaw ng atensyon ng mga netizens at diumano ay tumatak sa puso ng karamihan ng pinost niya ito sa kanyang Facebook page.
CJ Trinidad | Photo credit to his Facebook page |
Ang obra na ito ni CJ na viral at hinahangaan ngayon online, ay tinawag niyang "MASKCOMMUNICATION" na para diumano sa COVID-19 awareness.
Nagpapakita daw ang obrang ito ng mga indibidwal na kumakatawan sa ibat-ibang bansa na may suot na face mask. At hindi lamang ito mga ordinaryong face mask kundi, mga watawat ng mga bansang apektado ng coronavirus disease, kasama na ang Pilipinas.
Nagpapakita daw ang obrang ito ng mga indibidwal na kumakatawan sa ibat-ibang bansa na may suot na face mask. At hindi lamang ito mga ordinaryong face mask kundi, mga watawat ng mga bansang apektado ng coronavirus disease, kasama na ang Pilipinas.
Ginawa umano ni CJ ang painting para mag-paalala na dapat mangibabaw pa rin ang malinaw na komunikasyon at pagkakaisa para labanan at mapuksa ang COVID-19.
Photo credit to the owner |
MASKCOMMUNICATION Art by CJ Trinidad | Photo credit to his Facebook page |
"Pinapakita ko lang po sa artwork ko kung gaano kahalaga ang komunikasyon sa panahon na nahaharap sa madaming problema di lang sa ating bansa kundi sa buong mundo." ani CJ sa isang panayam.
"Sa kabila ng ating pagkakaiba-iba, pagkakaisa at pagkakaunawaan po ang napaka-importanteng bagay sa panahon ngayon", dagdag niya.
Sa mga oras ng pagsusulat na ito, ang post ay nakakuha na diumano ng higit sa 7,000 reaksyon at 6,500 shares.