Photo shared by netizen Ienstien Hortal | Credit to his Facebook account |
Sadya talagang nakakaantig ng puso ang ibinahagi na ito ng concern netizen na si Ienstien Hortal sa kanyang Facebook account tungkol sa kanyang hindi malilimutang karanasan na makasalamuha at makausap ang isang batang pulubi na dahil diumano sa hirap ng buhay ay karton o kahon na lamang ang kinakain upang patuloy na mabuhay.
Screenshot of Hortal's post | Credit to his Facebook account
|
Ibinahagi din ni Hortal ang naging pag-uusap nila ng bata at manaka ay humingi na din ng tulong sa lahat ng makakabasa ng kanyang post na nawa ay ipanalangin ang bata at ang pamilya nito at kung magkakaroon ng pagkakataon ay mabigyan din ng pagkain ang bata.
Photo shared by Hortal | Credit to his Facebook account
|
"I share ko lang po experience ko tonight.
Around 10:20-11:00 PM . Galing akong Morong Nung pauwi na ako Dumaan muna ako sa 7/11 sa Sampaloc Tanay para kumain .
Habang nakain ako Nalungkot ako nung may makita akong isang bata na kumakain din ngunit ang kanyang kinakain ay Karton/Kahon.
Naglakas loob akong lapitan sya at sabay tanong na "Bakit yan ang kinakain mo?" sumagot sya "Eto na kinakain ko sa isang buong linggo"
Nag karoon kami ngmarami pang convo.
(Matino syang Sumagot kung iyong kakausapin at marunong bumasa)
ME: Ano panagalan mo ?
jm: John Mark Sta Ana po pero tawagin nyo nlang po akong JM .
Me: ilan taon kna ?
jm:16 po
Me: nag aaral ka pa ba ?
jm: di na po. Graduating na ngapo sana ako ng grade 6 i kaya lang po pinamigay ng kuya ko ung gamit ko .
Me: Gusto mo pa ba mag aral?
Jm: Opo Gustong Gusto ko po sana
Me: dito ka ba natutulog ?
jm: hindi po . sa gilid po ng dimsum . 7:30 lang po ako lagi ng gabi napunta dito .
At marami pa akong itinanong sa kanya in short ininterview ko sya about sa buhay nya.
Pito po silang magkakapatid ang kanila pong magulang ay iniwan sila, nag hiwalay at nagkaroon daw ulit ng bagong pamilya. Nasa Montalban daw ang kanyang ina at ang Ama nya ay manila naman .
May natutunan ako sa kanya at sa Bawat nakukuha kong aral sa kanya Mas ninanais kong sya ay aking matulungan . IPANALANGIN NATIN SI JM AT KANYANG PAMILYA. pwede nyo din syang abutan ng food pag makikita nyo sya . Salamat po.
Sorry po pinicturan ko sya .
God Bless You."
Source: Ienstien Hortal