Netizen na may Busilak na Kalooban, Namahagi ng Pagkain sa mga Homeless at mga Asong Pinoy - The Daily Sentry


Netizen na may Busilak na Kalooban, Namahagi ng Pagkain sa mga Homeless at mga Asong Pinoy



Photo credit to Celli Sales Mercado's Facebook account
Ngayong nagdeklara na ng 'enhance community quarantine' ang pamahalaan upang maiwasan ang patuloy na paglaganap ng Coronavirus disease o COVID-19 sa bansa, marami sa mga Pilipino ang nakapaghanda na ng sapat na supply ng pagkain para sa kani-kanilang pamilya.

Ngunit, paano kaya ang mga maralitang Pilipino, na walang tahanan, na ang tanging ikinabubuhay lamang ay pagbebenta sa kalye at pamamalimos? Paano kaya nila malalagpasan ang pagsubok na ito, na hindi lamang takot na mahawa sa virus, ngunit higit ay takot na magutom at walang makakain.




Dahil dito, isang netizen na may busilak na kalooban ang gumawa ng paraan upang makatulong sa mga mahihirap sa abot ng kanyang makakaya.

Siya ay si Celli Sales Mercado, isang good samaritan, na nagbahagi ng tulong sa kapwa niya Pilipino sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkain at relief goods sa mga 'homeless' at mga pulubi sa kalye. At hindi lamang mga tao, maging mga aso sa kalye ay kanya ding pinakain.

Photo credit to Celli Sales Mercado's Facebook account

Photo credit to Celli Sales Mercado's Facebook account
Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Mercado ang kanyang ginawang pagtulong, hindi upang ipagyabang ito, ngunit upang magsilbing inspirasyon sa iba at sundan ang mabuting hangaring tumulong sa mga nangangailangan.




Photo credit to Celli Sales Mercado's Facebook account

Photo credit to Celli Sales Mercado's Facebook account

Narito ang kanyang nakakaantig na Facebook post:

"kung mayaman lang ako kahit araw araw kong gawin to ang lungkot lang na may makita ka sa lansangan na ganito habang may kumakalat na sakit please Lord guide them

Deuteronomy 15:11
“There will always be poor people in the land. Therefore I command you to be openhanded toward your fellow Israelites who are poor and needy in your land.”

We cannot do all the good that the world needs, but the world needs all the good the we can do. So please help those in need.

Thank you ate Abby Gail for teaching us compassion and kindness. For being a good role model. That’s why you are so blessed because you are a blessing to others, lalo na sa mga aso at pusa hahaha. share mo lang always blessings mo

Let’s multiply kindness."


Photo credit to Celli Sales Mercado's Facebook account

Photo credit to Celli Sales Mercado's Facebook account





Source: Celli Sales Mercado