Larawan mula kay Jomer Arañas |
Viral sa social media ang post ng isang netizen kung saan ay ibinahagi nito ang nadiskubreng malaking kitaan sa pagtitinda ng lumpia sa daan.
Ayon sa netizen na si Jomer Arañas, nais na nitong mag-shift ng career bilang isang lumpia vendor nang malaman nito kung gaano kalaki ang kinikita ng isang lumpia vendor.
Pagbabahagi ni Jomer, isang nagtitinda ng lumpia ang kanyang naka-usap at kanya itong in-interview habang siya ay bumili ng paninda ni Manong vendor.
Kwento umano ni Manong vendor, 600 na pirasong lumpia ang kanyang itinitinda sa loob ng isang araw at mabilis lamang daw itong maubos dahil gustong-gusto daw ito ng mga tao.
Bawat tatlong pirasong lumpia kasi na paninda ni Manong ay nagkakahalaga ng 20 pesos na kung bibilangin ang kita ay umaabot sa 4,000 pesos kada araw ang kikitain sa 600 pirasong lumpia at umaabot naman sa 28,000 pesos sa loob ng isang linggo at sa isang buwan naman ay tumataginting na 112,000 pesos ang posibleng kikitain ni Manong sa kanyang paninda.
Larawan mula kay Jomer Arañas |
Talaga namang nakakalula ang kinikita ni Manong na kung titignan mo ay tila daig pa ni Manong vendor ang sahod ng mga working professional na nasa opisina na naka-corporate attire.
Ayon din sa repost ng isang Facebook user na si Jarynil Lao Burlado, isa umanong “eye opener” para sa kanya ang ibinahagi ng netizen tungkol sa nasabing pagtitinda ng lumpia.
Ayon kay Jarynil, sa panahon ngayon ay importante ang extra income para makaipon at hindi umano sapat na may trabaho ka lang dahil kailangan ay madiskarte ka din sa buhay para makaipon ng sapat.
“Diskarte over Career. Success is not a paper qualification anymore. EXTRA income is really a must para makaipon ka. WAG KANG AASA SA SAHOD, MASASAKTAN KA LANG.” ayon kay Jarynil
Larawan mula kay Jomer Arañas |
Subalit, ilan sa mga netizens ang nagsasabing hindi pa naisama sa computation ang mga nagastos sa paggawa ng ng lumpia, ngunit kung iisipin ay hindi naman ganoon kalaki ang gagastusin sa paggawa ng lumpia kaya tiyak na malaki pa rin ang maiuuwing kita.
****
Source: Facebook