Ang pagtulong natin sa mga taong nangangailangan ay tiyak na babalik sa atin ng mahigit pa sa inaasahan natin. Laging tatandaan na ang paggawa ng mabuti sa kapwa ay may katumbas na biyaya.
May mga iilan na hindi naniniwala dito, ngunit isang lalaki ang nagpatunay sa kasabihang ito.
Sa bansang China, isang lalaki ang tumulong sa isang babae dahil sa hirap at mga pagsubok na pinagdaanan nito nang tumama ang malakas na lindol sa lugar kung saan sila nakatira.
Makalipas ang labing isang taon, ang babaeng tinulungan ng lalaki ay isa ng ganap na doktor. At nang siya ay magkaroon ng matinding sakit, ito naman ang nagligtas sa kanyang buhay.
Kinilala ang babae na si Tam Ling. Kwento nito, ang kaniyang ama ay mayroong kapansanan habang ang kaniyang ina naman ay mayroong malalang sakit. Bilang panganay, si Tam Ling ang nag-alaga sa kanyang dalawang nakababatang kapatid.
Ngunit noong taong 2008, isang malakas na lindol na mayroong 7.9 magnitude ang tumama sa tinitirhan ni Tam Ling at ng kaniyang pamilya.
Dahil sa pangyayari, napilitan ang pamilya ni Tam Ling na makitira sa kanilang kapitbahay dahil wala rin silang sapat na pera upang ipagawa ang kanilang bahay.
Kinilala naman ang lalaki na si Zheng Hua. Humanga umano ito sa kwento ng buhay ni Tam Ling at sinabing nakikita niya ang kanyang sarili sa kalagayan nito kaya tinulungan niya ito.
Si Zheng ay lumaki umano sa hirap kaya alam nito ang hirap na pinagdaraan noon ni Tam Ling. Kaya nagpasya si Zheng na tulungan ito. Ibinigay niya ang kanyang cellphone number at sinabi kay Tam Ling na tawagan siya kapag nakapagtapos na siya ng high school.
Makalipas ang ilang taon, nakapagtapos na sa high school si Tam Ling. Agad tumawag ang ama nito kay Zheng upang ipaalam ang magandang balita. Inirekomenda naman ni Zheng si Tam Ling sa isang medical school at binayaran narin nito ang tuition fee niya para sa unang taon.
Maging ang mga pangangailangan ng dalawang kapatid ni Tam Ling ay si Zheng narin ang nagbayad.
Makalipas ang ilang taon, naging isang certified optometrist na si Tam Ling.
Noong March 19, 2019, dinala sa ospital si Zheng dahil sa sakit na brain aneurysm. Mabuti na lamang at sa ospital kung saan nagtatrabaho si Tam Ling dinala si Zheng.
Kaagad inayos ni Tam Ling ang mga pangangailangan ni Zheng. Katulong ni Tam Ling ang kanyang asawa upang alagaan si Zheng. Mula sa pag-admit sa ospital hanggang sa mga check-ups nito ay sinasamahan nila ito.
Mabilis namang gumaling si Zheng dahil narin sa tulong ng mag-asawa.
"11 years ago, I put her through the medical school. Eleven years later, she saved my life! I shared this story because I want to motivate others to spread kindness!"
***
Source: How to Care