Lawaran mula kay Xer Yoker |
Ang mga batang kalye ay umaasa lamang sa paglimos na ibibigay sa kanila ng mga tao na kung hindi papalaring mabigyan ng limos ay wala silang pangkain.
Nakakalungkot na tila hindi pa yata nakaranas ang mga batang ito na kumain ng tatlong beses sa isang araw o magsuot ng mga bagong damit at ni minsan ay hindi pa nakakapasok sa paaralan, kaya nakakaawa talaga ang kalagayan ng mga batang palaboy.
Dahil sa hirap ng buhay ay mayroon ibang bata na nakakagawa ng hindi maganda sa kapwa tulad ng pagnanakaw ng pera para punan ang kanilang kumakalam na sikmura.
Gayunpaman, sa kabila ng hirap ng kanilang buhay, madami pa rin namang mga batang lansangan na mabubuti ang kalooban, na kahit hirap na hirap na sa buhay ay hindi pa rin nila masikmurang gumawa ng mali sa kapwa.
Lawaran mula kay Xer Yoker |
Tulad na lamang ng isang post sa Facebook kung saan ay nag-viral at umani ito ng mga positibong reaksiyon mula sa mga netizen.
Lawaran mula kay Xer Yoker |
Ayon kasi sa post ng isang netizen na si Xer Yoker, dalawang batang kalye ang nakapulot ng isang wallet na naglalaman ng pera.
Dahil sa kabutihang loob ng dalawang batang ito ay hindi nila pinag-interesang kunin ang wallet sa halip ay isinauli pa nila ito ng buo at walang bawas.
Dahil hindi daw sa kanila ang nasabing wallter ay minabuti nilang ibigay ito sa isang guwardiya.
Makikita sa mga lawaran ng mga bata na masaya nilang ibinalik ang wallet at pabiro pa nilang sinabi na "Kuya wala kami binawasan diyan"
Lawaran mula kay Xer Yoker |
Lawaran mula kay Xer Yoker |
Dahil dito ay maraming netizen ang natuwa at pinuri ang ginawang kabutihan ng dalawang bata.
Ang maturang post ay umani ng 6,000 reaksiyon, 700 comments at 8,600 shares.
****
Source: Xer Yoker / Facebook