Photo credit to Carl Vien Ogatis Tibang's Facebook account |
Pansamantala ng ipinagbabawal ang paglabas ng tahanan, sinara ang mga pang-publikong pasyalan, lahat ng pang-publikong sasakyan ay tigil pasada, at maski ang pagtitipon na pang-relihiyon ay ipinatigil din muna.
Kung karamihan sa mga kababayan natin ay titigil na muna sa paghahanap-buhay, mangilan ay pinayagang ipagpatuloy ang trabaho sa kanilang tahanan (work from home), ngunit hindi ang mga magigiting nating doktor, nurse, healthworkers, police, sundalo, at ibang manggagawa na tinatawag ding mga 'frontliners', na sa kabila ng panganib na kinakaharap dulot ng virus ay patuloy pa din na nagsisilbi sa taong-bayan.
At nakakatuwang isipin na sa kabila ng pangamba sa araw-araw, ang ilan sa kanila ay pinapanatili pa din ang pagiging positibo at pagiging masayahin sa buhay.
Tulad na lamang ng mabuting empleyado na si Carl Vien Ogatis Tibang, janitor sa isang ospital sa Marikina City, na kinakailangan pa ding sumabak sa kanyang trabaho upang mapanatili ang kalinisan ng kanilang ospital.
Ngunit imbis na damdamin ang hirap sa trabaho ay mas minabuti ni Tibang na pasayahin na lamang ang sarili at maging isang magandang ehemplo at inspirasyon sa iba, sa pamamagitan ng isang pag-post sa social media na talaga namang nakaka-'goodvibes' pag iyong nakita.
Sa post ay makikita ang kanyang mga larawan na nakasuot ng 'Personal Protective Equipment' na ginagamit din ng mga doktor at nurse sa mga ospital.
Photo credit to Carl Vien Ogatis Tibang's Facebook account
|
"Hindi po ako doctor. hindi rin po nurse. I am just a janitor but proud to be part of they call "PRONTLINER", saad ni Tibang.
Photo credit to Carl Vien Ogatis Tibang's Facebook account |
Sadyang madaming naaliw sa post na ito ni Kuya Janitor kaya naman ilang oras matapos niya itong ibahagi sa Facebook ay nag-viral agad at umani na ng napakaraming reactions, comments at shares.
Narito ang ilan sa mga comments sa nakakatuwang post ni Carl Vien Ogatis Tibang.
Screenshot of comments | Cedit to Carl Vien Ogatis Tibang's Facebook account |
Screenshot of comments | Credit to Carl Vien Ogatis Tibang's Facebook account |
Screenshot of comments | Credit to Carl Vien Ogatis Tibang's Facebook account |