Photo credit to Jose Hallorina's Facebook account |
Ang vlogger ay nakilala bilang si Jose Hallorina na ngayon ay mayroon ng 1.29M subscribers sa kanyang YouTube channel.
Sinasabing ang madalas na tinatampok ni Jose sa kanyang mga vlogs at social experiments ay mga good samaritans o yung mga nagpapakita ng kagandahang loob sa kabila ng kahirapan sa buhay.
Tulad na lamang ng kanyang latest video blog kung saan kanyang nakasama ang isang homeless at matandang pulubi at susubukang hingan ng piso kapalit ng limang-libong piso pag-nagbigay ito.
Photo credit to Jose Hallorina's YouTube account |
Sa video makikita na lumapit si Jose kay Tatay Rodolfo upang manghingi ng piso, pang-dagdag umano sa pamasahe pauwi ng probinsya.
Kahit walang-wala ay hindi nag-atubili ang matanda na ibigay kay Jose ang natitirang tatlong piso nito kahit ang hinihingi ni Jose ay piso lamang.
Lubha ang pagkagulat ni Jose sa pinamalas na kabutihan ni Tatay Rodolfo, at nagpakita ng pag-aalala sa matanda, ngunit agad namang sinabi ng huli na kunin na ang tatlong piso at wag mag-alala dahil may nagbibigay naman daw ng pagkain sa kanya.
Sa kabila nito, inalok ni Jose sa matanda ang pagkain na kunwari ay naipalimos niya ngunit mariing tinanggihan ni Tatay Jose at sinabing meron pa naman siyang pagkain.
Dito nagkwento na din ang matanda sa hirap ng buhay na dinadanas sa kalye araw-araw na talaga nga namang nakakahabag at nakakaantig ng damdamin.
Sobra ang pasasalamat ni Jose sa matanda sa pagbibigay sa kanya ng natitirang tatlong piso nito at kung meron nga lang daw mas malaking halaga si Tatay Rodolfo ay ibibigay din niya kay Jose, tulad ng pagbibigay niya ng tinapay at iba pang pagkain sa mga katulad niyang pulubi na humihingi din sa kanya.
Photo credit to Jose Hallorina's YouTube account |
Doon na naisambit ni Jose na ang "Yaman ay hindi nakikita dito sa Lupa" na sinang-ayunan naman ni Tatay Rodolfo at sinabing ang "Yaman ay nakikita sa Puso".
Pag-karinig ng mga katagang iyon, naiyak si Jose at inamin sa matanda na eksperimento lamang ang kanyang ginawa at sila ay naka-video at sinubok lamang niya ang kabutihang loob ng matanda.
At kapalit ng ipinamalas na kabutihan ay binigyan ni Jose si Tatay Rodolfo ng limang-libong piso na talaga nga namang ikinagulat ngunit sobrang ikinatuwa ng matanda.
Photo credit to Jose Hallorina's Facebook account |
Ilang araw matapos noon ay binalikan ni Jose si Tatay Rodolfo para sa dagdag na pasasalamat. Kanyang binigyan ng makeover ang matanda, binilhan ng bagong damit at tsinelas, pinatulog sa hotel at pinakain sa labas.
Lubhang nakakagulat talaga ang naging transformation ni Tatay Rodolfo na sadyang ikinatuwa ng mga nakapanood sa nasabing video.
Photo credit to Jose Hallorina's YouTube account |
Photo credit to Jose Hallorina's YouTube account |
Maraming netizens ang humanga kay Jose, higit kay Tatay Rodolfo dahil siya ay isang patunay na walang pinipiling estado ang pagiging mabuti. Na minsan kahit ang isang pulubing, walang-wala sa buhay ay handang ibigay ang huling sentimo na mayroon sila upang makatulong sa mas nangangailangan.
Panoorin ang nakakaantig na video ni Jose sa mga link na ito, Video 1, Video 2
Source: YouTube Ph, YouTube