Kabaitan at malasakit ni Pokwang, lubos na pinasasalamatan at patuloy hinahangaan ng mga Pinoy - The Daily Sentry


Kabaitan at malasakit ni Pokwang, lubos na pinasasalamatan at patuloy hinahangaan ng mga Pinoy



Mga larawan kuha mula sa post ni Pokwang
Patuloy ang mga biyaya na natatanggap ng isang sikat na artista at komedyante na si Pokwang dahil sa kanyang angking kabaitan at pagmamalasakit sa kapwa, lalo na sa panahon ngayon na ang bawat isa sa atin ay kailangan maging ating sandigan at makiisa at sumuporta sa mga paalala ng gobyerno.

Walang patid ang pagbahagi ng tulong pagkain ni Pokwang lalong lalo na para sa ating mga bayaning frontliners, medical personnel, healthcare workers, mga kapulisan at mga sundalo na walang kapaguran sa serbisyo para sa bansa at sa mga Pilipino.


Kamakailan ay ipinaghanda ni Pokwang ng mga sandwiches at maiinom at personal niya itong inaabot sa lahat ng mga kababayan nating mga frontliners.

Mga larawan kuha mula sa post ni Pokwang

Ngayon ay tila walang kapaguran rin ang komedyante upang gumawa ng sarili niyang hakbang upang makatulong sa mga nangangailangan.

Makikita sa kaniyang social media account na abalang-abala siya sa pag rerepak ng sako-sakong bigas at mga karton ng mga pagkain upang iaabot doon sa kanyang pinagkakatiwalaan na kapitan ng isang barangay para doon sa mga kababayan nating nasa kalye lang nakatira at sa mga pamilyang kapos upang punan ang pangaingailangang pagkain ng pamilya.

"Pick up nalang ng baranggay captain NA pinagkakatiwalaan ko. Alam na nya sino mga dapat bigyan 👍🙏🏼🌈 MGA walang pang lockdown NA pagkain mga nasa kalye at bahay na walang stock at pang stock," saad niya.


Umaapaw ang mga lubos na paghanga at pagsaludo ng mga Pilipino sa ginawang pagtulong at kabaitan ni Pokwang.

Mga larawan kuha mula sa post ni Pokwang
"Ate pokwang salamat Po sa pagcare sa mga masnangangailangan Sana Po bigyan ka no lord NG maraming strength at para Hindi ka mapagod at magsawa sa pagtulong. Gandang Ate pokwang in and out. More power and abundance to you and to your family," - Corie Rutaquio

"Wow nakakataba ng puso sana po lahat ng mga artista kagaya mo naway marami pang biyaya dadating sa inyo hindi lng sa finacial.. Thank pokwang i salute you..👏👏 God bless u and ur family🙏," - Sally Sandaga Sarte 

"Godbless pokwang salamat po ng madami di man kami mabgyan taos puso po akong ngpapasalamat sainyo ginintuang puso nkkaiyak po 😭 Sana matulungan ang mga dapat tulungan sana po ung iba makaisip din na gawin ito 🙂," - Ael Rhazz Custodio

Narito ang kanyang buong post:



Don’t worry hindi na po ako lalabas last na ito hahahahahaa pick up nalang ng baranggay captain NA pinagkakatiwalaan ko, alam na nya sino mga dapat bigyan 👍🙏🏼🌈 MGA walang pang lockdown NA pagkain mga nasa kalye at bahay na walang stock at pang stock, salamat sa mga kasambahay ko sa help thank you Omay 🙏🏼❤️ ako na bahala sa pamilya nyo 🙏🏼 GOD PLEASE HEAL OUR LAND AND THE WORLD 🙏🏼  


Mga larawan kuha mula sa post ni Pokwang
Sa mga friends ko WALA muna video call at group chat hahahahhaaa busy ako mag re pack wait lang po para sa mga nasa bahay na alam nating kahit gusto nilang magtabi para sa lockdown e wala naman ipang ta tabing pagkain.kapit Lang ha matatapos din ito 🙏🏼🌈

***

Source: Pokwang 1 2 3

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!