Isang Pari, nagtinda ng isda para maipatayo ang simbahan sa Basilan - The Daily Sentry


Isang Pari, nagtinda ng isda para maipatayo ang simbahan sa Basilan



Larawan mula sa Newsline 
Tunghayan ang hindi matatawaran na kabutihang loob at ginawang pagsasakripisyo ng isang pari sa Basilan para matapos ang pagpapagawa ng pinapangarap niyang simbahan para sa mga mamamayan.

Nang dahil sa tulong ng isang pari na magbenta ng isda sa gilid ng kalsada para makalikom ng pondo, ay may bago na ngayong simbahan ang mga taga Lamitan City sa Basilan.

Nagbunga ng maganda ang ginawang pagpupursigi ng 37-taon gulang na si Fr. Joel Silagpo na maisakatuparan ang pangarap nitong maipagpatuloy ang pagpapagawa ng kanilang simbahan sa Basilan.

Ayon kay Fr. Joel ng parish priest sa San Antonio de Padua, kulang na kulang umano ang kanilang nalilikom na pondo mula sa mga donasyon para maipagawa ang simbahan, kung kaya naman naisipan nitong magtinda ng isda sa gilid ng kalsada upang makatulong.
Larawan mula sa Newsline 
“I am selling fish everyday to augment the need to construct our church,” ayon kay Fr. Joel

Noon kasing taong 2017, sinimulan ang konstraksyon ng simbahan pero nahinto ito dahil kulang ang naging pondo ng simbahan kung kaya naman naisipan ni Fr. Joel na gawin ang pagtitinda ng isda sa gilid ng kalsada.

Kahit ang ibang tao ay nagtaas ng kilay dahil sa ginawa ni Fr. Joel ay hindi niya ito pinansin dahil alam nito sa kanyang sarili na walang masama sa kanyang ginagawa bagkus ay dapat pa siya maging proud sa kanyang sarili.

Kahit na mga Muslim ang karamihan sa mga residente sa lugar nila ay tinulungan parin siya ng mga ito dahil sa kaniyang magandang hangarin.

Ayon pa kay Fr. Joel, kung ang Diyos umano ay kayang magsakripisyo para sa karamihan ay siya rin ay handang gawin ang kanyang parte para sa kaunlaran ng kanyang bayan.

“I went to the ‘Bagsakan’ to buy fresh fish for our consumption, there I saw the opportunity to raise funds through fish vending, then, I called on the PPC for a meeting and told them the idea of selling fish as a fund raising activity, gikataw-an ko nila, gi-ingnan ko—Fr? maninda ka ug isda? dili ka maulaw? pari man ka? but I told them, I can sacrifice for the church because our church is dilapidated and we need to source out funds.” kwento ni Fr. Joel
Larawan mula sa Newsline 
Dahil sa kabutihang hangarin at kwento ng buhay ni Fr. Joel, madaming tao ang nainspire sa ginawa niya kung kaya naman nagdagsaan ang tulong para matapos ang ipinapagawang simbahan.

Hindi raw umano inakala ni Fr. Joel ang pagbuhos ng tulong para maipagawa ang hindi matapos-tapos na simbahan kung kaya naman labis ang pasasalamat nito sa mga taong naghandong at nagbigay ng suporta sa kanya.

Laking pasasalamat ni Fr. Joel sa mga taong may mabubuting kalooban na nagbigay ng pera para maipagawa ang pinapangarap nitong simbahan para sa mga tao.

****

Source: Newsline