Isang kumpanya, magbibigay ng 1 month grocery supply at financial assistance sa mga empleyado - The Daily Sentry


Isang kumpanya, magbibigay ng 1 month grocery supply at financial assistance sa mga empleyado




Puno man ng takot at paghihirap ang marami sa mga Pilipino ngayon, partikular na ang mga taga-Metro Manila, dahil sa COVID-19, may iilan-ilan pa rin namang mga may busilak na kalooban ang gagawa ng paraan makatulong lang sa kapwa.

Isa na rito ang kumpanyang Ezential Corporation na syang namamahala sa brand na Redjuice.


Sa memorandum na inilabas ng Ezential Corporation para sa kanilang mga empleyado na nagta-trabaho under Redjuice, nakasaad ang mahabang listahan ng mga benepisyo na matatanggap ng mga ito mula sa kumpanya.

Ang pagsususpinde ng trabaho hanggang April 14 ay isa sa mga ito, para masiguro ang kaligtasan ng lahat.

Narito ang mga suportang matatanggap ng Redjuice employees:

- 1 month supply of basic grocery items such as canned goods and instant noodles
- 1 bag of rice (25kg)
- 2 cutoffs Advanced Salary for every regular employees and 1 cut-off for every newly hired employees
- Php 8,000 COVID-19 cash assistance for regular employees and 4,000 for newly hired employees
- Php 10,000 cash advance - for salary deduction starting on May 15, 2020 which will deduct P500 per cutoff, zero interest
- Php 1,000 hazard pay for every event that requires attendance

- Php 7,000 vacation allowance for every regular employees. 90% of attendance from January to March 15 is required to qualify
- Additional Php15,000 medical assistance for those who have not yet availed their previous privilege

Tignan ang larawan: