Larawan kuha mula sa post Julianne Rosched Cana |
Kinuwento ni Julianne na nag-ggrocery sila ng kanyang Nanay ng mga pakain sa Puregold bilang paghahanda dahil narin sa pagdeklara ng buong Luzon sa enhanced community quarantine.
Nang matapos na nilang bilhin ang lahat ng kanilang mga kailangan hindi nila inaasahan ang haba ng pila sa cashier at ang mabagal na pag-usad nito.
Kaya naman sa sobrang pagkabagot ng kanyang Nanay sa pagpila ay inayos na lang nito ang mga paninda dahil narin siguro sa mararmi ang namimili ay nagugulo ang mga nakadisplay.
"Etong nanay ko, sa sobrang bagot, ayun, naging staff ata bigla ng Puregold at nag-ayos ng mga gamit dun," saad ni Julianne.
Larawan kuha mula sa post Julianne Rosched Cana |
"Sabi niya, kawawa naman kasi sila. Nahawa din yung ibang namimili, nag-ayos narin ng mga aisle," dagdag niya.
Umani din ito ng mga paghanga mula sa mga netizens:
"Dapat tularan si nanay,d'best talaga ang mga nanay," - Chloechoi Mejorada
"Salamat po sa mga costumer na marunong makisama. Sa totoo lang ung ibang supermarket hindi pinapauwi ang mga empleyado kahit subra na sa oras nila hanggat d naayos ang display" - Mark Arthur Descalzo
"Naging diser na si mommy 🤗 malaking tulong para sa mga diser ang mga kagaya mo mommy😊 Thankyou for the good heart mommy Godbless 😇," - Lichelle Ramilo Bartolome
Narito ang kanyang buong kwento:
Last night, we went to #Puregold para magstock ng food. Nung nasa line na kami, sobrang nakkaabagot kasi ang haba talaga ng pila + ang bagal umusad.
Etong nanay ko, sa sobrang bagot, ayun, naging staff ata bigla ng Puregold at nag-ayos ng mga gamit dun. Sabi niya, kawawa naman kasi sila.
Larawan kuha mula sa post Julianne Rosched Cana |
***
Source: Julianne Rosched Cana
Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!