Ice Drop Vendor, nakapundar ng sariling bahay, sasakyan, computer shop at mga paupahan - The Daily Sentry


Ice Drop Vendor, nakapundar ng sariling bahay, sasakyan, computer shop at mga paupahan



Larawan mula kay Emmanuel Jagmis
Isa sa pinapangarap ng bawat taong kapos sa buhay ay ang umasenso at maranasang mag-travel sa ibat-ibang lugar sa mundo, magkaroon ng sariling sasakyan, tumira sa magarbong bahay at higit sa lahat ay mabigyan ng magandang buhay ang mga mahal sa buhay.

Kung kaya naman madami saatin ang nagsusumikap para maabot ang mga minimithing pangarap sa buhay.

Gayunpaman, kilalanin ang isang netizen na si Emmanuel Jagmis na naging isang inspirasyon ng karamihan dahil sa kanyang naabot na mga pangarap dahil sa pagtitinda ng kanyang homemade ice drop.

Viral sa social media ang naging pagbabahagi ni Emmanuel tungkol sa kanyang mga pinagdaanang hirap para lang maabot ang kanyang mga pangarap.
Larawan mula kay Emmanuel Jagmis
Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Emmanuel na halos tatlong dekada na siyang nagtitinda ng kanyang homemade ice drop at mabenta umano ito sa mga bata dahil nasa tapat ng paaralan ang kanyang puwesto.

Ibinida din ni Emmanuel ang bunga ng kanyang pagtitiyaga sa pagbebenta ng ice drop na kung saan ay nakapag-patayo siya ng sariling paupahan, computer shop, tindahan at nabili din niya ng isang bagong sasakyan ang kanyang mga magulang.

"Share ko lng ang istorya ng aking homemade icedrop na mahigit tatlong dekada ng mabili sa mga bata dto sa aming lugar at masuerte ako dahil tapat ako ng isang elem skul napakalaki ng tulong nito sa ekonomiya ko (nakapatayo ako ng mga paupahan, nagkaron ng computer shop)at ngaun awa ng dios ang matagal ko ng pangarap ang magkaroon ng sasakyan." ayon kay Emmanuel

Iniipon ni Emmanuel ang araw-araw na pinagbentahan niya ng ice drop sa isang plastik at ibinida pa nito umano na kapag may tiyaga ay mayroon nilaga.

Ayon pa kay Emmanuel, hindi umano nasusukat sa laki ng sahod ng isang tao ang pag-asenso sa buhay kung hindi naka-base raw ito sa pagsisikap, pagtitiyaga sa pag-iipon ng pera at pagiging matipid sa mga gastusin.

Maraming netizens ang namangha sa ginawang pagbabahagi ni Emmanuel sa kanyang pagiging madiskarte sa buhay kung kaya naman kaliwa't kanan ang mga tanong ng mga tao kung ano ang kaniyang recipe sa ginagawang homemade ice drop at nagbabakasali na maiahon din sa kahirapan ang kanilang pamilya.
Larawan mula kay Emmanuel Jagmis
Larawan mula kay Emmanuel Jagmis
Nakaka-inspire nga naman ang ginawang pagbabahagi ni Emmanuel sa kanyang narating sa buhay, na bukod sa madiskarte ay masipag din ito.

****