Alam natin na ang edukasyon ay susi upang umasenso at maging maayos ang pamumuhay natin. Anumang hirap at pagsubok ang kaharapin natin, basta may tiyaga ay tiyak na makakapagtapos tayo.
Ito ang pinatunayan ng isang ginang mula sa Davao del Sur. Sa Facebook post ng netizen na si Zion Pore, ibinahagi nito ang mga larawan ng isang babae, 35 na taong gulang, grade 9 student.
Si Pore ay isang Department of Education (DepEd) employee at kasalukuyan siyang nagsasagawa ng class observation nung araw na yun.
Ayon kay Pore, ang babae ay may tatlong anak at ang kanyang asawa ay nagtatrabaho sa Davao. Ikinuwento nito ang mga hirap sa buhay na pinagdadaanan niya kaya naman hindi nito maiwasang maiyak.
“She shared about her life and her struggles, that made her teary eyed (her husband works in Davao to support the family, so she’s literally alone in raising the kids),” sabi ni Pore sa kanyang post.
Ayon sa pakikipanayan ni Pore sa babae, nasa parehong eskwelahan din sila ng panganay niyang anak na nasa Grade 7 pa lamang. Ang isa ay nasa elementary habang ang bunso niya ay bitbit niya araw-araw sa eskwela tuwing pumapasok siya.
Kwento ng babae, siya raw mismo ang nagpursige na pumasok ng eskwelahan. Nag-enrol daw ito agad nang malaman ang early enrollment ng DepEd.
Humanga si Pore sa determinasyon ng babaeng makapagtapos ng pag-aaral sa gitna ng mga pagsubok na kinakaharap. Kaya pagkatapos ng klase ay binigyan niya ito ng papuri.
“after the class, I went straight to her, congratulated her and told her to keep pressing on. Padayon. You’re truly an inspiration ❤️”
Umani naman ng paghanga mula sa mga netizens ang kwento ng babae. Ito raw ay isang inspirasyon at dapat tularan ng mga kabataan at mga taong nawawalan ng pag-asang makapagtapos ng pag-aaral.
***
Source: Zion Pore | Facebook / Definitely Filipino