Larawan mula sa Abante |
Isa nanamang nakakaantig pusong kuwento mula sa isang netizen na ibinahagi sa social media kung saan ay isang Grade 2 na estudyante mula sa Union Elementary School sa Sta. Rita, Samar ang pursigidong makapagtapos sa pag-aaral kahit na hirap ang sitwasyon nito sa buhay.
Nakakalungkot mang isipin na dahil sa hirap ng buhay ay mga estudyante na pursigidong magaral kahit na kulang-kulang ang gamit nito sa pag-aaral.
Sa ibinahaging larawan ng isang guro na si Maricor Baculanta mula sa Samar, makikita ang isang ballpen na gawa sa kahoy na itinali ng goma habang ginagamit ito ng kanyang estudyanteng pinangalanang si Jan Kim.
Makikita ang pagpupursigi ng 8-anyos na estudyanteng ito na nais talaga niyang makatapos sa pagaaral upang makaahon sa kahirapan.
Kwento ng guro na na si Baculanta, napansin niya ang kanyang estudyante na si Jan na itinatago nito ang kanyang gamit na ballpen kahit wala namang dapat takpan habang nagsusulat. Marahil ay nahihiya si Jan na makita ng kanyang mga kaklase ang improvised ballpen na kanyang ginagamit.
Larawan mula sa Abante |
Ayon pa sa guro, nahihiya daw umano si Jan na ipakita sa ang ang kanyang ballpen na gawa sa kahoy kung kaya naman iniiwasan niya itong huwag makita ng iba.
Ayon umano kay Jan, siya raw ang gumawa ng ballpen na ito, dahil wala siyang pambili ng lapis ay nakita niya sa kanilang bahay ang ballpen na sira ang lalagyan at dahil may natitira pa naman itong tinta kung kaya naman naisipan niyang itali nalang ito sa kahoy upang may magamit siya.
Dahil dito ay naiyak umano ang guro at kinuhanan niya ng larawan si Jan at ipinost niya ito sa kanyang Facebook account upang maging inspirasyon ng mga kabataan.
Pagbabahagi pa ni Baculanta, si Jan daw umano ay isang tahimik na bata sa kanilang paaralan ngunit masipag, mabait at hindi daw umano ito lumiliban sa klase.
Larawan mula sa Abante |
Pangarap din umano ni Jan na maging isang guro rin balang araw.
Basahin ang buong post sa ibaba:
“Actually, diri pa dapat hira nagamit hin ballpen. Han nagpakiana hiya kun pwede hiya gumamit hin ballpen, diri man ako maaram na sugad an pustura han iya ballpen. Siring niya ha akon nga waray hiya lapis pero mayda hiya ballpen. Tumugot ako pero siring ko nga ha susunod, lapis na an gagamiton,
“Pagkatapos han amon klase, diri pa talaga ako nakakamove-on. Pagstorya ko ha akon mga co-teachers, nahingangatuok la gihap ako
“Nagpapasalamat ako ha Ginoo nga nagkaada hin positive outcome an akon pagpost. Kunta maging inspirasyon ha mga bata yana labi na ha mga nakakaprovide hin complete school supplies nga tagan hin importansya an ira mga gamit, kun ano man an meada nira yana
“Siring niya, gusto niya maging teacher.
****
Source: Abante