Larawan kuha mula sa post ni Crystalle Mae Manalo |
Walang mahirap na pangarap ang hindi makakamit sa isang pursigido, at masipag na tao. Kahit pa sa kabila ng kahirapan ay 'di ito kailanman hadlang sa matayog na determinasyon at pagsisikap.
Isang inspirasyon ngayon sa nakararami ang kwento ng tagumpay na ibinahagi ni Crystalle Mae Manalo, na noo'y nangangarap lang at ngayo'y ganap nang isang Mechanical Engineer.
Nag-viral at patok sa mga netizen ang nakakaantig damdadamin na kwento ni Manalo tungkol sa kung paano nag-alala ang kanyang Lola na si Nanay Gloria sa pagsabit ng kanyang congratulatory tarpaulin sa labas ng kanilang ' tagpi-tagpi' at 'barong barong' na tahanan.
Larawan kuha mula sa post ni Crystalle Mae Manalo |
"Nanay: okay lang kaya yan na sa barong barong natin ilagay yang tarpulin mo? makikita ng mga tao na tagpi-tagpi yung bahay natin?" tanong sa kanya ni Nanay Gloria.
Ngunit tunay na inspirasyon at nakakamangha ang pagiging positibo at puno ng pasasalamat si Manalo sa kanyang Lola na siyang umako na ng responsibilidad sa pagtulong sa kanya upang makapagtapos ng pag-aaral.
"Me: Nay yan ang pinakamagandang tagpi na nailagay natin. Salamat Nay... sa lahat," sagot niya.
“Ganito pala ang nararamdaman mo na malaman na iyong apo isa sa mga pumasa sa board exam. Naiisip ko iyong mga nangyari sa buhay namin dalawa na tuwing byaran sa school wala kaming pambayad, puro paki-usap na lng. Eto na ngayon puro dasal na lang ang ginawa namin para makamit na niya iyong maging engineer. Salamat, Lord, hindi mo pinabayaan ang apo ko,” saad niya.
Larawan kuha mula sa post ni Crystalle Mae Manalo |
Aminado si Manalo na kahit isa siyang iskolar sa pinapasukang koliheyo ay hirap sila ng kanyang Lola sa mga iba pang mga bayarin at nairaraos lamang nila ito sa pangungutang at pakikiusap.
Dumidiskarte din siya sa pagtitinda sa paaralan upang kumita ng kahit kaunting halaga pandagdag sa iba pang mga gastusin sa pag-aaral.
Kaya naman sa patuloy na pagsisikap at hindi pagsuko a ano mang hamon ng buhay napagtagumapayan at nakapagtapos siya sa kursong BS Mechanical Engineering sa Colegio de San Juan de Letran – Calamba at ginawaran bilang Academic Excellence Awardee.
“Naging scholar po ako nung first year to 3rd year.. Kaso po discount lang yun sa pagiging dean's lister ko po,"
Larawan kuha mula sa post ni Crystalle Mae Manalo |
"Yun po nasa picture, tinitirahan namin ng lola ko at hindi ko kinakahiya yun.. Marami po ako kaklase na nagpapasalamat sa akin at doon sa puting lamesa na nasa picture.. marami na po kasi ako naturuan doon.. gawain ko po kasi turuan yung mga kaklase ko na medyo nahihirapan sa klase.. doon rin po namin nagawa thesis namin,"
***
Source: Cystalle Mae Malonzo Manalo The Summit Express
Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!