Larawan mula sa Facebook ni Juanito C. Balundo |
Mapapa-sana all ka talaga! Trending ngayon sa social media ang post ng isang netizen na lubos lubos ang pasasalamat sa kanyang mapagbigay at mapagmalasakit na employer.
Sa Faceboook post ni netizen Juanito C. Balundo, pinikita niya ang litrato ng mga nakabalot na relief goods at tig-lilimang daang piso na ayon sa kanya ay ipinapamahagi ng kanilang boss sa lahat ng mga empleyado ng kanilang maliit na kumpanya.
“HINDI MAN MALAKI ANG KUMPANYA NANG BOSS NAMIN, MALAKI NAMAN ANG KANYANG MALASAKIT SA AMIN," ani ni Juanito sa kanyang post.
Inilahad din ni Juanito, na isang licensed professional teacher, na halos dalawang taon na syang nagtatrabaho sa nasabing kumpanya.
Dagdag pa niya, "Since 2018 trabahante nako.. Habang nagre-review para sa board exam hanggang sa pumasa ako at ....until now dito parin ako.. (nung) dumating ang pandemic na ito naisip ng boss namin na bigyan kame habang naka-community quarantine.."
Ang nasabing post ay umani ng maraming positibong komento mula sa mga netizens. Karamihan sa mga ito ay pinupuri ang may-ari ng kumpanyang pinagtatrabahuhan ni Juanito.
Isa sa mga nagkumento ang nagsabi, "nakakagaan sa loob malaman na may mga mapagmalasakit at mapagbigay na employer na iniisip ang kapakanan ng kanyang mga empleyado, sa gitna ng banta na dulot ng C0VlD-19."
Malaki ang pasasalamat ni Juanito sa kanyang boss sa mga kabutihang ipinapakita nito sa kaniyang mga empleyado na kahit maliit man ang kumpanya nito ay hindi ito naging hadlang para makapagbigay ng kaunting tulong sa kanilang mga empleyado.
Nawa’y ganito rin mag-isip ang ibang employer lalo na nang mga malalaking kumpanya.
Ang post ni Juanito ay patunay lamang na sa kabila ng sakuna at anumang klaseng problema patuloy pa ring nangingibabaw ang pagka-mapaglasakit at mapagbigay ng mga Pilipino.
'Thank you, boss!'
Source: Juanito C. Balundo | Facebook