Doc. Willie Ong: "Hindi solusyon ang saging sa COVID-19, wag pong magpauto" - The Daily Sentry


Doc. Willie Ong: "Hindi solusyon ang saging sa COVID-19, wag pong magpauto"




Kumalat ngayon sa social media ang isang video na kung saan ipinakita na ang saging ay umano'y epektibo kontra COVID-19. Dahil dito, nagpanic buying ang mga tao ng saging.

Agad-agad namang kinontra ito ni Doctor Willie Ong, isang sikat at mapagkakatiwalaang medical practitioner sa bansa. Ayon kay Doc. Ong, hindi solusyon ang saging sa COVID-19.


Narito ang buong pahayag ni Doc. Willie Ong sa kanyang Facebook account:

HINDI SOLUSYON ang SAGING sa COVID:
Fake News at Fake Video ang nakita nyo !
Karamihan ng gulay at prutas ay masustansya.

Health Advisory ni Doc Willie Ong

Ang SAGING ay masustansyang prutas.
PERO hindi pang-gamot ang saging sa COVID.
MALI po! Fake news ang kumalat na post tungkol sa Saging at Covid.

Kung GUSTO kumain ng SAGING, hanggang 2 piraso lang bawat araw.
Ingat sa may ALMORANAS at KIDNEY problem.
Baka ma-CONSTIPATED kayo.

Note 1: Kung gusto palakasin ang katawan, kumain ng vitamin C rich foods at sari-saring gulay:
Piliin ang bayabas, papaya, calamansi, suha, dalandan, orange, lemon, patatas at iba pa.
HINDI ito gamot. Pero pampalakas lang ng katawan.
At ITIGIL muna ALAK at YOSI. Para hindi bumagsak ang iyong katawan.
Yan ang pinakamahalaga.

Note 2: Basta may outbreak, maraming magpasamantala para KUMITA ng pera. Wag magpauto. Tamang pag-iingat lang.