Walang imposibleng mangyari basta may pangarap at pagpupursige sa buhay. Lahat ay pwedeng makamit kapag may sipag at dedikasyon.
Keith Varias / Imahe mula Facebook
Ito ang ipinamalas ng dating service crew ng Jollibee na si Keith Varias na ngayon ay kumikita na ng P150,000 kada buwan mula sa kanyang computer shop.
Pinatunayan ni Varias na “kapag may tiyaga, may nilaga.”
Ayon sa Businessnews PH, nagtatrabaho pa umano sa Jollibee noon si Varias habang nag-aaral. Naging data encoder din siya ngunit pangarap niya talagang maging programmer.
Si Varias ay nakapagtapos ng 2-year IT course ngunit hindi ito sapat upang maging programmer dahil wala siyang bachelor’s degree.
Keith Varias / Imahe mula Facebook
Imahe mula Facebook
Nang makaipon siya ng P17,000, naisip niyang magtayo ng negosyo. Nanghiram siya ng P20,000 sa kanyang mga magulang at nag-loan ng nasa P50,000 upang makapag simula ng isang computer shop sa Cavite.
"Wag niyong kakalimutan kung anong dahilan kung bakit kayo nagsimula at gumawa ka ng paraan para marating mo ang gusto mong marating," sabi ni Varias.
Imahe mula Facebook
Masasabing napalago ni Varias ang kanyang negosyo dahil napag-aral niya ang kanyang dalawang kapatid sa kolehiyo at nakapagpundar rin siya ng mga ari-arian.
"Bilang startup lalo na sa inexperienced tulad ko bata pa lang, wala ako masyadong experience kailangan talaga matuto ka mag accounting, matuto ka mag inventory, matuto ka hiring, firing, lahat lahat," sabi ni Varias.
Imahe mula Facebook
Sa edad niyang 26 noon, nakapagbibigay na siya ng P20,000 kada buwan sa kanyang mga magulang bilang suporta.
Itinanghal din si Varias bilang 2017 Youth Entrepreneur of the Year ng Citibank dahil sa kahanga-hangang galing niya sa pagnenegosyo.
***
Source: ABS-CBN News