Viral ngayon sa social media ang video na ito dahil sa nakakatuwang naisip ng ilang mga kabataan.
Sa gitna ng banta na dala ng Covid-19, lumutang ang isang video na nagpatawa sa marami.
Hindi man tuluyang papawi sa takot ng lahat ang nasabing video clip ay maiibsan naman nito ang stress ng mga netizen kahit papaano.
Sa video na in-upload ng Facebook page na Hello, mapapanuod ang tila graduation ng ilang mga estudyante. Ngunit hindi ito tipikal na graduation rites.
Imbes kasi na sa eskwelahan ito ganapin ay sa online ito nangyari. Bagay na nagpatawa sa marami.
Mapapanuod sa video ang mga larawan ng mga estudyante na isa-isang lumalabas kasama ng kanilang mga pangalan gayundin ng kanilang mga magulang.
Para pa magmistulang mas makatotohan, kinumpleto ng background music para sa graduation march ang naturang video, na bandang huli ay tila naging remix version.
Ang nag-trending na napagkatuwaan lamang na online graduation rites ay kuha mula sa group chat ng mga estudyanteng member nito.
Sa kasalukuyan ay meron na itong 84k shares, 13k reactions, at 2.1k comments at patuloy pang dumadami.
Narito ang ilan sa mga kasama sa animo ay tunay na graduation:
Panuorin dito ang video: