Displina at kooperasyon ng mga mamayan ng Baguio City, umani ng papuri - The Daily Sentry


Displina at kooperasyon ng mga mamayan ng Baguio City, umani ng papuri



Streets of Baguio City | Photo by Ruth Bantiding Antonio

Matapos ideklara ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang state of calamity sa buong bansa at total lockdown sa buong Luzon, agarang sumunod ang mga Local Government Units (LGUs) sa layuning mapigilan ang pagkalat ng nasabing sakit.

Sa kabila ng pandaigdigang banta ng C0VlD-19, patuloy na nagiging matatag ang mga Pilipino.


Isa sa mga LGUs na agarang umaksyon sa daing ng Pangulo at ng Department of Health (DOH) ukol sa community quarantine ay ang Baguio City. Sa isang Facebook post ng Baguio City Digest, ipinapakita ang uri nga kooperasyon at disiplinang ipinamalas ng mga taga-Baguio City.

Makikita sa mga litratong ipinost ng naturang Facebook page ang mga pangunahing kalye at kalsada sa Baguio City, na malinis, halos walang tao at iilan na bilang ng mga sasakyan.








Patunay lamang na todong disiplina ang ipinapakita ng mga residente sa syudad. Sa mga sitwasyong kailangan ang lubos na kooperasyon ay walang alinlangang sumusunod ang mga Pilipino, lalung-lalo na ang mga taga-Baguio City.



Nawa’y magsilbing ehemplo ang disiplina at kooperasyong ipinapamalas ng Baguio City sa kasalukuyang banta ng C0VlD-19 kaugnay sa ipinapatupad na community quarantine. Sa patuloy na pagsunod sa mga alituntunin at mga hakbang nang ating gobyerno, unti-unti nating malalabanan at maiiwasan ang patuloy na pagkalat ng C0VlD-19 sa ating bansa.

Narito pa ang ilang larawang kuha ni netizen Quinny Tindongan: 


"To the people of Baguio, thank you for your cooperation with the community quarantine. Tiis-tiis lang at tayo ay magtulungan para labanan ang virus. Darating rin ang araw na matatapos rin ito. 🙏🙏🙏. Ang ginagawa ng ating gobyerno ay para sa kaligtasan at kapakanan nating lahat." 



Source: Baguio City Digest Facebook Page