Sa panahon ngayon, marami ang hindi basta-basta nagtitiwala sa mga hindi nila kakilala. Ika nga ng mga matatanda, ‘Don’t talk to strangers.’
Mang Ruben at Donn Brian Camus / Imahe mula sa Facebook post ni Donn Brian Camus
Ngunit para sa isang architect-entrepreneur, pinili niyang ipagkatiwala sa isang 72-years-old na homeless ang pagpapagawa ng signage para sa kanyang Convenience Store.
Sa Facebook post ng netizen na si Donn Brian Camus, ikinuwento niya kung papaano sila nagkakilala ni Mang Ruben.
“Kudos to Mr. Ruben Verches aka 'Mang Ruben' who commissioned our signages," sabi ni Camus sa kanyang Facebook post.
Mang Ruben at Donn Brian Camus / Imahe mula sa Facebook post ni Donn Brian Camus
"He is the homeless guy who approached me last week, asking kung kailan daw ba dadating iyong owner ng tindahan kasi gumagawa daw siya ng signage.”
Ang post ni Camus ay umabot na sa 28,000 shares and 74k reactions habang sinusulat namin ang kwentong ito.
Narito ang buong post ni Camus:
"I'm posting this to help the man!!!
Kudos to Mr. Ruben Verches aka "Mang Ruben" who commissioned our signages. He is the homeless guy who approached me last week asking kung kailan daw ba dadating yung owner ng tindahan kasi gumagawa daw sya ng signage. Sabi ko ako yung may-ari kaya tinanong ko sya saan2 na yung mga nagawan na nya ng signages. Nakumbinse naman ako kasi yung katabing laundryshop sya daw nag paint ng signage at sa mga paraan na sinabi nya kung paano step by step na paggawa lalu na nung sinabi nyang after ko daw sya bigyan ng print copy may pattern na naka scale daw syang gagawin na ipapaapproved daw muna nya sakin bago nya ipinta..Duda ako noong una kasi syempre baka hindi maayos ang kalabasan kapag manual paint lang at kung hindi maayos ang kalabasan eh ipapabura ko na lang tapos papalitan ng stickers or stencil. Pero nung nalaman kong palaboy at sa ilalim lang pala ng flyover yung sinasabi nyang pwesto nya tapos yung mga gamit at signage maker box nya at iniipon dw nyang mga kalakal eh kinuha ng mga sweepers mejo nakaramdam ako ng awa kaya parang tulong ko na lang din sa kanya. Pwede ko naman ipabago kung sablay talaga.
Imahe mula sa Facebook post ni Donn Brian Camus
Minsan kailangan lang talaga natin magbigay ng konteng tiwala sa taong nagpipilit mabuhay ng marangal para kahit paano madagdagan ang pag-asa nila sa buhay.
Nagrequest akong magpapicture sa kanya sabi ko ipopost ko sa FB para magkaroon pa sya ng mga kliyente ako pa lang dw kasi ang 1st client nya this year...
Salamat Mang Ruben hindi ako nagkamali ng pagtitiwala sayo.😀
PS. Sa mga FB friends na gusto magpagawa ng painted signage or kahit panaflex signage daw kaya nya rin gawin PM is the Key!✌😀.Location nya is around Bagong ilog Pasig City.
Let's give the man a chance to make a living and build hope by doing his craft.
***
Source: Donn Brian Camus | Facebook