Apat na anak ng tricycle driver at mananahi, nakapagtapos ng kolehiyo; Ibang-iba na ang buhay ngayon - The Daily Sentry


Apat na anak ng tricycle driver at mananahi, nakapagtapos ng kolehiyo; Ibang-iba na ang buhay ngayon



Ang tamis ng tagumpay ay napakasarap lalo na’t pinaghirapan ito at dumaan sa maraming pagsubok. Minsan, sa dami ng problema sa buhay ay hindi natin maiiwasang sumuko at huwag nang ituloy ang laban.
Imahe mula sa Facebook post ng Peso Sense

Ngunit kakaiba ang kwentong ibinahagi ng isang netizen kung papaano iginapang ng kanilang mga magulang ang pag-aaral nilang magkakapatid upang makapagtapos ng kolehiyo.

Marami na tayong nabalitaang ganitong pangyayari sa ating bansa. Nakakatuwa at tunay na inspirasyon ang ganitong kwento sa bawat Pilipino.

Sa Facebook page na “Peso Sense”, ibinahagi nito ang tagumpay ng apat na magkakapatid na nakapagtapos sa kolehiyo sa tulong ng kanilang tricycle driver na ama at mananahing ina.

Ayon sa netizen, ang kanyang tatay ay nakikiboundary lamang umano sa tricycle, ang kanyang ina naman ay pakyawan o maramihan ang pananahi. Hindi raw umano ‘fix’ ang kanilang kita.

Naging working student din umano silang magkakapatid at pinilit na makapasok sa scholarship program. Hindi naging madali ang kanilang pinagdaanan, ngunit hindi sila sumuko.
Imahe mula sa Facebook post ng Peso Sense

Sa ngayon ay tapos na silang magkakapatid sa kolehiyo at nakapasa sa board exam.

“Sa tulong at awa naman ng Diyos, nakapagtapos po kaming apat. Ako po ay Elecrical Engineer, ang pangalawa ay Civil Engineer, ang pangatlo ay Math teacher at ang bunso ay Mechanical Engineer.

Nakapagpatayo narin umano sila ng sarili nilang bahay.
Imahe mula sa Facebook post ng Peso Sense

Sa post ng netizen ay hinikayat niya ang lahat na manalig at magtiwala sa Diyos. 

Narito ang buong post:

“Share ko lang po ❤️❤️❤️ Isa pong tricycle driver ang tatay ko (nakikiboundary lang din, walang sariling tricycle). Ang nanay ko naman po ay mananahi (pakyawan). Yung kita po nila sa isang araw ay hindi fix, depende sa gawa at tyaga, ayun lang ang maiiuwing pera. Sobrang hirap po ng pinagdaanan, naging working student kami ng kapatid ko at lahat kami ay pinilit na maging scholar. Sa tulong at awa naman ng Diyos, nakapagtapos po kaming apat. Ako po ay Elecrical Engineer, ang pangalawa ay Civil Engineer, ang pangatlo ay Math teacher at ang bunso ay Mechanical Engineer. Sa tulong po ng dasal, tyaga at sipag, nakapasa din po kaming lahat sa board exam (1 take).

Siguro po alam ni Lord kung gaano ang sakripisyo ng mga magulang namin para lang maitawid kami sa tagumpay. At ayan din po, sa awa din ng Diyos, nakapagpatayo na din kami ng sariling bahay. Buong buhay po namin, nakatira lang kami sa isang maliit na apartment, ilang hakbang lang nasa kusina at banyo ka na. 😅 Natutulog kami sa sala. 😊 Eto po ay patunay na may Diyos. Nakikita nya ang lahat. Kailangan lang po nating manalig at sabayan ng tiwala, sipag at tyaga. Kaya po natin maabot ang lahat, kahit kapos, kahit mahirap. Salamat mga ka-PESO 😇😇😇
Imahe mula sa Facebook post ng Peso Sense

Narito naman ang iba't ibang komento ng mga netizens:




***