Larawan mula sa smapse at The Campfire Thoughts |
Isa ang bansang Amerika sa pinaka-maunlad na ekonomiya sa buong mundo kung kaya naman kaliwa't kanan ang mga taong nangangarap na makapunta dito para magtrabaho o kaya naman ay makahanap ng mas magandang oportunidad at nagbabakasali na balang araw ay makakaahon din sa kahirapan.
Bihira naman ang mga pinoy na pinapalad na makatungtong sa bansang ito dahil nga sa mahal ang pamasahe sa eroplano at pahirapan din ang pagkuha ng mga kinakailangang papeles papunta dito.
Gayunpaman, sinong mag-aakala na isang anak ng magsasaka mula sa Capiz ang maswerteng pinag-kalooban ng isang scholarship upang makapag-aral sa isang sikat na unibersidad sa Amerika.
Pinalad na mabigyan ng scholarship si Aldrean Paul Elvira Alogon na taga Sigma, Capiz na lumaki sa bukid ng kanilang sinasaka kasama ng kanyang pamilya.
Larawan mula sa buzzflare |
Dahil sa kasipagan sa pagaaral, nakatapos si Aldrean ng elementarya na may award bilang valedictorian. Ipinagpatuloy niya ang kanyang pagaaral sa Philippine Science High School Western Visayas Campus sa Iloilo City. Hindi ininda ni Aldrean ang hirap kahit na dalawang oras ang byahe sa school mula sa kanila.
Mahilig magbasa ng encyclopedia at mga librong tungkol sa science si Aldrean kung kaya naman nahasa ang kanyang talino at nagamit niya sa kanyang pagaaral.
Naging pambato din si Aldrean sa kanilang paaralan dahil sa mga sinasalihan nitong patimpalak sa ibat-ibang lugar.
Naging pambato din si Aldrean sa kanilang paaralan dahil sa mga sinasalihan nitong patimpalak sa ibat-ibang lugar.
Dahil sa pagpupursiging makaahon sa kahirapan at matulungan ang pamilya, sinubukan ni Aldrean na mag-apply sa Freeman Asian scholarship sa isang sikat na unibersidad sa Amerika na kung tawagin ay Wesleyan University at maswerte naman itong natanggap.
Larawan mula sa The Campfire Thoughts |
“I grew up on a farm, Kung makita ko ang akon mga kaingud balay, kag akon family, na indi man gid ka as rich and as high social status, nasubuan gid ako. Gusto ko na ma-experience man nila ang life na sang, at least, middle-class na Filipino.” ayon kay Aldrean
Nagantimpalaan siya ng isang scholarship na nagkaka-halaga ng 300,000 dollars o mahigit sa 15.7 million pesos.
Nang dahil sa angkin na kasipagan at pagpupursigi sa buhay ni Aldrean ay tila ito na ang umpisa ng kanyang tagumpay. Sana ay maging isang inspirasyon si Aldrean ng lahat ng kabataan na magsumikap magaral.
Source: KAMI