Larawan mula sa AroundMeBD |
Mayroon mga magulang na maagang tinuturuan ang kanilang mga anak kung paano mamuhay mag-isa o kung paano maging independent. Nais kasi ng mga magulang na matuto ang kanilang mga anak ng obligasyon, maging disiplinado sa buhay at matutong tumayo sa sariling mga paa dahil hindi naman habambuhay ay nandiyan silang mga magulang para gabayan ang kanilang mga anak.
Marami din naman ang sumasang-ayon sa ganitong pamamaraan na habang maaga ay dapat nang matuto ang mga bata sa mga resposibilidad ng buhay. Pero maniniwala ka ba na mayroon isang bata na tatlong taong gulang ang marunong nang magluto ng pagkain?
Sa video na in-upload sa Youtube, bumuhos ang paghanga ng mga netizen sa isang tatlong taong gulang na batang babae matapos magluto ito ng pagkain, hindi lamang para sa kanyang sarili kung hindi para din sa kanyang mga kalarong bata.
Larawan mula sa AroundMeBD |
Ang nasabing video ang mayroon na ngayong 76,279,523 views at patuloy pa ang pagkalat nito.
Mapapanuod sa video na hindi lamang simpleng luto ang niluluto ng tatlong taong gulang na batang ito dahil sa pangalan pa lamang na Tasty Hilsa/Elish Fish Curry ay parang napaka-espesyal na nito na may sangkap na isda, green chili, coriander powder, cumin, red chili powder, turmeric powder at kanin.
Larawan mula sa AroundMeBD |
Makikita din sa video ang ginawang paglilinis nito sa isdang lulutuin tulad ng pagkaliskis at paghugas sa mga nito.
Matapos mahiwa sa maliliit na piraso ang isda ay nilagay na nito sa malaking kawali at nilagyan na nito ng mga sangkap at binuhat pa nito ang mabigat na kawali na ipinatong sa isang lutuan na ginagatungan ng kahoy.
Nakaka-bilib din ang batang ito dahil siya mismo ang kumukontrol sa apoy ng kanyang niluluto sa mapapagitan ng paggatong ng kahoy sa kanyang niluluto.
Larawan mula sa AroundMeBD |
Matapos ang ilang minuto ay luto na ang kanilang pagkain at inihain na niya sa kanyang mga kaibigan ang napaka-sarap nilang pagkain na siya mismo ang nagluto.
Larawan mula sa AroundMeBD |
Marami sa mga netizen ang nagulat at napa-bilib sa talento ng tatlong taong gulang na batang babae na ito na sa murang edad ay kaya na nitong magluto ng kanyang pagkain.
Sana maging aral ito sa mga taong nasa wastong edad na ngunit hindi pa rin marunong magluto ng sariling pagkain at umaasa lamang sa mga binibiling lutong ulam.
****
Source: Youtube