Sa gitna ng pangamba na makapasok sa bansa ang nakamamatay na sakit na dala ng 2019 novel corona virus o 2019-nCov, mahigpit na pinaaalalahanan ang publiko na mag-ingat.
Nauna nang pinayuhan ng DOH o Department of Health ang lahat na bawasan ang tyansang mahawa sa sakit na dala ng nCov sa pamamagitan ng mga sumusunod: madalas na paghugas ng kamay, pag-gamit ng face mask, at maging ang pag-iwas sa mga matataong lugar.
Ngunit isang eksperto ang nagbigay ng impormasyon tungkol sa mas mabisang paraan para mas mabawasan ang tyansang madapuan ng sakit na dala ng killer virus.
Ayon kay Dra. Susan Mercado, pangunahing paraan ng pag-iingat ay ang pag-iwas sa mga taong may sakit.
"The only thing that will help us fight off the disease is not interact with those who are sick," ika nya.
Ngunit binigyang diin din ng nasabing eksperto ang kahalagahan ng sapat na oras ng tulog at water therapy o pag-inom ng maraming tubig araw-araw.
Bukod pa dito, ang 'good physical exercise' at ang pagkain ng prutas at gulay ay makakatulong din para manatiling malusog at malakas ang pangangatawan laban sa virus.
"This virus is in human beings. What we need to do is limit the movement of those who are sick and avoid those who are sick. If they get well and they fight off the virus, the virus dies in them," dagdag pa ni Dra. Mercado.
Panuorin dito: