Mga larawan mula sa Summit Express |
Maraming pagkakaibigan na ang sinira ng pera dahil sa utang, lalo na kung nakalimutang mabayad ng taong humiram. At kung maniningil man, mas nagagalit pa ang taong umutang, kaya nagkakaroon ng ‘end of friendship’.
Ngunit isang tao na hinayaan hinayaan nalang ang kaibigan na humiram sa kanya ng pera noong 2002 at nagpasyang isipin nalang na nawala nya ang pera.
Dahil isang tunay na kaibigan, naramdaman niyang dapat niyang gawin iyon dahil ipinahiram naman niya ang pera para matulungan ang kaibigan.
Ngunit, wala naman palang interes ang kaibigan niyang ito na huwag nang magbayad pa. Laging gulat at saya na lang ng nagpahiram nang sa wakas ay naalala siyang bayaran ng kaibigan matapos ang 18 taon.
Ibinahagi ni Derick Khoo Yew Seng, mula sa Singapore ang larawan ng resibo sa transaksyon na ipinadala sa kanya ng kanyang kaibigan para sa utang ng $80 noong sila ay nagsisilbi pa sa mandatory military service o National Service (NS) ng bansa.
Kwento pa ni Derick, noong panahon na iyon ay hirap pa silang pag kasyahin ang kanilang natatanggap na sweldo mula sa NS, ngunit higit na mas nangangailangan ang kanyang kaibigan na nangakong magbabayad kaagad sa abot ng makakaya.
Matapos ang kanilang mandatory service ay nagkahiwalay na silang dalawa ng kaibigan at nagpalit pa ng contact number ang isa sa kanila kaya naman wala nang paraan na makontak ni Derick ang kasamahan.
Sa paglipas ng panahon ay kinalimutan na niya ang utang nito.
“In these years, I met into him again outside and ask him hows life, we exchange contact and also we did mentioned about this loan matter in our messages. He said he did not forget and sure would return to me. I believe him!” pagbabahagi pa ni Derick*
“A few times of promises but always never fulfill again and again when deadlines are met. He changed mobile number again. We would never know why, maybe he can’t pay the bills and telco terminate his number? We have to always keep it positive.” Ayon pa sa kanya
Kahit nang sila ay muling nagtagpo sa pamamagitan ng social media ay hindi pa rin inasahan ni Derick na magbabayad ang kaibigan.
“Last night I receive a call from a number not stored in my phone. “Sir give me your bank account number leh” I ask who are you. I thought must be some scam call because why in this era still call me Sir. I was busy with friends at that point of time, so i sounded a bit inpatient. “Who are you!” Then he identify himself and told me this time he confirm will return me,” ayon sa post ni Derick
“I believe it half heartedly as I have long ago let this debts flow… This morning, he text me with this receipt. Tears flow down from my eyes.” Patuloy niya
Kaya naman, napaluha pa si Derick sa ginawa ng kaibigang matagal na hindi nakakusap.
“It’s not the amount! Honestly 1 HDL meal also not enough but it may be a big amount to someone. Why I am so joyful because he finally did it and step out of that ‘always empty promises’ him. I see that my man finally wanted a change of his life!” dagdag pa ni Derick.
Huwag mawalan ng pag asa, hindi mo alam, baka naman magbayad din sa iyo ang kaibigan mong matagal nang may utang sayo.