Isang Doktor, ginamot ng libre ang mga mata ng mahigit 130,000 na katao - The Daily Sentry


Isang Doktor, ginamot ng libre ang mga mata ng mahigit 130,000 na katao



Larawan mula sa Asia Society
Isa sa pinaka importante sa bahagi ng katawan ng tao ay ang ating mga mata, dahil ito ang nagsisilbing instrumento upang masilayan ang kagandahan ng paligid ganoon na rin ang ating mga mahal sa buhay.

Ganun pa man, ayon sa pagaaral na ginawa ng World Health Organization (WHO), tinatayang mahigit kumulang 39 milyon na indibidwal ang mayroong karamdaman sa kanilang mga mata.

Karamihan kasi sa mga ito ay walang kakayahang magpagamot sa kanilang karamdaman dahil na rin may kamahalan ang pagpapagamot dito kung kaya naman marami dito na tuluyan ng nawawalan ng paningin.

Sumabit, mayroon isang magiting na doktor na naglilibot sa ibat-ibang lugar sa mundo upang tumulong at manggamot ng libre sa mga taong may problema sa paningin.

Ibinahagi ni Dr. Saduk Ruit sa mga kapwa nito doktor ang kaalaman nito tungkol sa mabisang lunas para sa may mga karamdaman sa mata.
Larawan mula sa Asia Society
Ayon sa balita, si Dr. Ruit ay isang Nepales na kayang manggamot sa karamdaman ng mga mata sa loob lamang ng limang minuto.

Ayon pa sa balita, si Dr. Ruit ay galing sa mahirap na pamilya kung kaya naman ramdam nito ang hirap ng mga taong walang kakayahang magpagamot sa kanilang karamdaman kung kaya taos puso niyang itong tunutulungan.

Nag-iikot sa ibat-ibang bahagi ng mundo si Dr. Ruit gaya ng Asia, Africa at maging sa North Korea upang tumulong ng libre, at sa katunayan nga nyan ay mahigi't kumulang sa 130,000 katao na mayroong kundisyon sa mga mata ang kanya ng napagaling.

"As sad as this sound, you realize that life is short and unpredictable. D**th is a great teacher. It reminds you, almost mockingly, that everyone is stamped with an expiration date. I am a mortal being after all. I have to do what i do best to give people a better shot at life. I have to do it before my time comes." ayon kay Dr. Ruit

Isa sa kanyang napagaling ang isang bulag na ama na kauna-unahang nasilayan ang kanyang mga anak kung kaya naman labis ang pasasalamat nito kay Dr. Ruit.
Larawan mula sa Asia Society
Ang iba naman ay galing pa sa iba't-ibang bahagi ng mundo at sinasadya pa siya sa kanilang kampo na eye care center na kung tawagin ay Tilgana Institute of Opthalmology (TIO) upang magpagamot kay Dr. Ruit.
Larawan mula sa Asia Society
Ayon kay Dr. Ruit, hindi umano nasusukat sa kung ano mang dami ng pera ang pagiging matagumpay sa buhay kundi nasusukat ito sa kung mga taong iyong natulungan at nabigyan ng impluwensiya.

"My idea of success is not calculated in money one earns but in the lives that one has influenced." ayon kay Dr. Ruit

****

Source: Great Big Story