Lahat tayo ay naghahangad na makakilala ng isang tao na tunay na magmamahal sa atin, nang sa ganon mayroon tayong makakasama sa ating buhay. Ngunit hindi lahat ay nabibigyan ng pagkakataon upang makahanap agad ng mamahalin.
Kaya naman gumawa ng paraan ang isang Amerikano upang makahanap ng
gf sa pamamagitan ng pagbibigay ng $25,000 o halos P1.3 million upang makahanap
ng “THE ONE”.
Isang 47 anyos na Amerikanong lalaki ang handang magbigay ng
malaking halaga ng pera para sa taong makakanap ng girlfriend para sa kanya.
Siya ay magbibigay ng halos P1.3 million pesos halaga ng pera, at may dagdag pa
na $25,000 para sa animal shelter.
Siya ay si Jeff Gebhart, nakatira sa Kansas. Gumawa siya ng isang
website kung saan makikita na naghahanap siya ng babaeng kanyang magiging
girlfriend at mag-aalaga ng aso niya.
“Ang pangunahing layunin nito ay upang mahanap ang tamang babae
para sa akin, kung nasaan man siya,” sabi ni Jeff.
“Sa aking oras nang paghahanap at pagkabigo ay tiyak na
nagkakahalaga ng ilang halaga ng dolyar ngunit iyon ay halos kung ano ang
ginugol ko sa pakikipag-date,” dagdag pa niya
Si Jeff ay isang negosyante at gusto niyang makahanap ng magiging
girlfriend upang makasama niya sa buhay at mapupunan ang pagkatao nilang
dalawa.
“Ako ay isang negosyante na sapat na masigasig pa rin sa landas
ng karera na aking napili. Sa mga nakaraang taon, itinatag ko, itinayo, at
nabenta ang isang kumpanya at nasisiyahan ako sa tagumpay sa ekonomiya,” sabi
niya.
“Hindi ko kailangan ng isang tao upang makumpleto ako, bagkus
naghahanap ako ng isang tao na may mga katangian na magbibigay-daan sa amin
upang umakma sa bawat isa,” dagdag pa niya.
Ang katangian na hinahanap niya sa isang babae na makakasama niya
sa buhay ay yung taong madaling pakisamahan at masayahin.
Nais din niya ay babaeng kanyang makakasundo dahil pareho sila ng
interes, confident at easy going.
“Gusto kong makahanap ng isang tao na masaya, madaling
pakisamahan sa lahat ng oras, isang taong may kumpiyansa, hinihimok,
nagbabahagi ng parehong interes tulad ko, nakakatawa, goofy, at hindi masyadong
sineseryuso ang kanilang sarili.,” sabi ni Jeff.
Samantala, may mga gustong kundisyon naman si Jeff sa pag bibigay
ng pera sa taong makakahanap ng kasintahan para sa kanya. Ang $250,000 ay
magiging instalment daw sa loob ng limang (5) taon, kung hindi tatagal ang
magiging karelasyon kahit sa unang taon pa lang ay walang makukuha ang taong
nakahanap ng girlfriend para sa kanya.
Magiging mapalad ang babaeng magiging girlfriend ni Jeff, bukod
kasi sa mabait na ito pa ay isa itong businessman at siguradong magiging masagana
ang buhay ng kanyang mahahanap na kapareha.
Tiyak magiging maayos ang kanilang pamumuhay sakaling makahanap
ito ng taong makakasama niya sa buhay.
Maraming dayuhan na gustong mahanap na kasintahan o asawa ay
Pilipina, sapagkat likas na maasikaso at maalaga ang mga Pinay, bagay na hindi
naman pagsisisihan ng mga lalaking naghahanap ng magmamahal.