Mahigpit na pinaalalahanan ni Health Secretary Francisco Duque ang publiko na iwasan ang mga bagay na ito para sa kaligtasan ng lahat.
Lunes ng magbigay ng babala ang Department of Health Secretary na iwasan munang makipagbeso-beso, bukod sa pakikipaghawakan ng kamay.
Ito ay bilang pag-ingat para hindi basta-basta mahawaan ng nakamamatay na sakit na dala ng novel coronavirus o 2019-nCoV na nagmula sa Wuhan, China.
“Avoid shaking of hands this time. At the most, fist bump,” ” ika nya.
Binigyang diin din ng Health Chief na maiging iwasan pati ang pakikipagbeso-beso sa ngayon habang may mga ilan nang mga pinagsususpetsahang carrier ng killer virus sa bansa.
Umabot na sa mahigit 80 ang namatay sa Wuhan dahil sa bagsik ng naturang virus.
Nagpaalala din si Duque na umiwas muna sa mga hilaw na pagkain.
“Make sure that the preparation is adequate. It should not be half-cooked or have meat that is pinkish,” paliwanag nya.
“Rule number one: Never eat raw meat,” sabi nya.
“A lot of illnesses start with animals or zoonotic transmission.”
“Yang mga kilawin, tigil na muna natin yan. Maraming mikrobyo kasi yang mga yan,” giit ni Sec. Duque.
Pero ng tanungin ito kung ligtas bang kumain ng ibang hilaw na pagkain gaya na lamang ng sashimi, iba ang naging sagot ni Duque.
Sagot kasi nito, ayos lang na kumain ng mga ganoon basta ito ay galing sa restaurants na kilala at subok na ang reputasyon sa pagiging malinis.
“You just need to cook it well since coronaviruses are sensitive to heat. If you cook it at 53 degrees centigrade, they will be neutralized,” sambit pa ni Duque.