Larawan mula kay Herald Hope Tero-Mangle Apole |
Hindi lingid sa ating kaalaman na responsibilidad ng mga magulang na alagaan at gabayan ang kanilang mga magiging anak. Ngunit paano na lamang kung ang malaking responsibilidad na ito ay inako na nang ng isang batang menor de edad.
Hindi ba tila parang nakapa-hirap naman na sa murang edad na sana ay masayang naglalaro at pag-aaral lang ang iniisip ay mayroon na agad nakapatong na resposibilidad para sa kanya.
Tunghayan ang nakaka-antig pusong kwento ng isang batang estudyante kung saan ay ibinahagi ng isang guro ang kalagayan ng kanyang masipag at mapag-mahal na estudyante.
Larawan mula kay Herald Hope Tero-Mangle Apole |
Sa isang Facebook post ng isang guro sa New Katipunan Elementary School sa Bayugan City, Agusan del Sur na si Teacher Herald Hope Tero-Mangle Apole, ikwento nito ang nakakaantig pusong kalagayan ng kanyang batang estudyante, kung saan ay pumukaw naman ito sa atensyon ng mga netizen.
Ayon sa Facebook post ng guro, araw-araw nitong nakikita ang kanyang estudyante na tuwing papasok sa paaralan ay kasama nito ang nakababatang kapatid na kandong-kandong pa habang siya ay pursigidong nag-aaral sa paaralan.
Kahit hindi kumakain ng umagahan at walang baon ay masipag pa rin na pumapasok ang batang ito habang inaalagaan ang kanyang kapatid.
Hindi naman mapigilang maawa ang guro sa kalagayan ng kanyang batang estudyante at kapatid nito, ngunit sa kabila ng nakakaawang kalagayan ng mga bata ay labis naman ang paghanga ng guro, ganoon na din ang mga netizen sa ipinapakitang kasipagan ng batang estudyanteng ito.
Ayon pa sa post ng guro, mula sa mahirap na pamilya ang bata at sa murang edad ay siya na ang tumatayong taga-pangalaga sa kapatid.
Labis ang naging paghanga ng mga netizen sa bata dahil kahit napaka-hirap ng sakripisyong ginagawa niyang pag-aalaga sa kapatid ay hindi pa rin niya pinapabayaan ang kanyang pag-aaral at determinado pa rin itong abutin ang pangarap na maging guro balang-araw.
Larawan mula kay Herald Hope Tero-Mangle Apole |
Larawan mula kay Herald Hope Tero-Mangle Apole |
Basahin ang buong post ng guro sa ibaba:
“D. E. T. E. R. M. I. N. A. T. I. O. N.
” I want to be a teacher”, he said
He chose to go to school even without his breakfast.
He chose to go to school even without his baon.
He chose to go to school even without wearing his uniform.
He chose to give what he has for his younger sibling.
He chose to go to school even doing a parent’s role….
“I want to be a teacher”, he said….”
****