Sikat na Fast Food chain, inireklamo ng customer dahil umano sa 'dugyot' na ginawa sa kanyang inorder - The Daily Sentry


Sikat na Fast Food chain, inireklamo ng customer dahil umano sa 'dugyot' na ginawa sa kanyang inorder



Larawan kuha mula sa post ni Derek Michael Villegas
Marami ang mas piniling gumastos sa mga pagkaing mula sa mga kilala at sikat na fast food chain, umaasang makakakuha ng masarap at malinis na mga pagkain.

Naging babala para sa mga nakararaming mga Pinoy na mahilig kumain sa mga kaliwa't kanang fast food chain ang nag trending na post mula sa isang netizen tungkol sa di umanoy "dugyot" na ginawa sa kanilang inorder na juice.

Sa post na ibinahagi ni Derek Michael Villegas, inilahad niya ang kanyang pagkadismaya at galit sa kanilang nasaksihang "kadugyutan" na ginawa ng isang store crew ng Mc Donalds, lalo pa raw at kakalabas lang niya ng ospital.

Kwento niya na umorder sila ng pagkain at juice sa isang branch ng Mcdo sa may Airforce1 Paranaque branch pero di nila inaasahan ang kanilang nakuhanang video ng pagsalok ng isang crew sa kanilang inorder na juice sa isang balde imbes na doon kumuha sa drinks dispenser.

Larawan kuha mula sa post ni Derek Michael Villegas

Napag-alaman din nila mula sa kanilang nakausap na manager sa naturang kainan na ang lamang juice doon sa baldeng pinagkuhanan ng isang service crew ay for dispossal na rin raw.

Sinubukan pa raw nilang ipainom doon sa crew at ng manager ang inorder na juice pero tumanggi ang mga ito dahil sa bawal na nila raw nilang inumin ang juice dahil waste na ito.

"Pero eto kita namin na sinalok ung baso sa balde na disposal na dw ngayon pinapainom namin sa babae at mnaager ung juice na sinalok nila ayaw nmn kasi bawal dw nila inumin kasi waste na dw," saad ni Villegas.

Dismayado sila sa nangyari dahil bukod sa hindi biro ang maospital,  kung sila nga na taga Mcdo ay di na ininum ang juice pero sa kanila na customer ay pinapainom pa.

Dagdag ni Villegas na noong nahuli nila sa akto at sinita ang pagsalok ng babaeng crew sa balde ay natawa pa ito.

Larawan kuha mula sa post ni Derek Michael Villegas

"Tapos samin papainom. Na dapat meron sira dispencer dun,"

"Nun nahuli namin c ate sinalok natawa pa sya dun sa crew na parang sinabi na nahuli ako na nagsalok. So ndi ho biro maospital," saad ni Villagas.

Sa inupload nila na video, tinanong nila ang isang manager na kung proper ba ang ginawa nila, pero ang tugon ng manager ay baka di lang namonitor ang dapat ay for disposal nila na juice.

Paalala din niyang hindi porket malaki at kilala silang fast food chain dito sa bansa ay maari na nilang gawin ang tulad ng kanilang naranasan.

Ito ang kanyang buong post:

Di nmn po sa nag iinarte.

Kakagaling ko lng kasi sa oapital. Para bumili ng makakain at pineaple juice. 



Pero eto kita namin na sinalok ung baso sa balde na disposal na dw ngayon pinapainom namin sa babae at mnaager ung juice na sinalok nila ayaw nmn kasi bawal dw nila inumin kasi waste na dw. 


Larawan kuha mula sa post ni Derek Michael Villegas

Tapos samin papainom. Na dapat meron sira dispencer dun. Mcdo airforce1 paranque. Nun nahuli namin c ate sinalok natawa pa sya dun sa crew na parang sinabi na nahuli ako na nagsalok. So ndi ho biro maospital.

Manager na mismo nag sabi na dugyot cla. Mabash nako kung mabash pero dugyot.. pls aware lng ndi porket malaki kayong fastfood chain e ganyan na kayo.

Naranasan ko na kasi makakain ng nagtae ako.. sana paki tutukan mga ganito.

***

Source: Derek Michael Villegas

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!