Robin Padilla Ipinagtanggol si Pope Francis sa mga Bashers: "Talaga bang wala ng respeto ang mga tao?" - The Daily Sentry


Robin Padilla Ipinagtanggol si Pope Francis sa mga Bashers: "Talaga bang wala ng respeto ang mga tao?"



Robin Padilla | Pope Francis with a female devotee | Photo credit to the owner
Sa unang araw ng bagong taon at bagong dekada 2020, kumalat sa social media ang isang kontrobersyal na video na kinasangkutan ng isang babaeng deboto at ng Santo Papa kung saan makikita diumano na hinampas ng huli ang kamay ng babae makaraang hilahin siya nito.

Kabilang ang babae sa mga Katolikong nagtipun-tipon sa labas ng St. Peter’s Square sa Vatican noong New Year’s Eve, December 31, upang masilayan si Pope Francis.





Screenshot of Pope Francis' video with the female devotee | Credit to YouTube

Screenshot of Pope Francis' video with the female devotee | Credit to YouTube
Sa video ng insidente, makikitang biglang hinatak ng babae ang kamay ng 83-anyos na Papa at kinabig ito palapit sa kanya. Napaharap at muntik nang masubsob ang nagulat na si Pope Francis habang pilit binabawi ang kamay sa pagkakahawak ng babae.
Gayunpaman, hindi binitiwan ng babae ang kamay ng Papa, dahilan upang paluin ng huli ang kamay ng babaeng deboto.





Dahil sa naging reaksyon at ginawang iyon ni Pope Francis, binatikos ng ilang netizens ang Santo Papa dahil hindi diumano nila nagustuhan ang pinakita ng Catholic Church leader.


Kaagad namang humingi ng paumanhin ang Santo Papa sa mga Katoliko sa nangyari.

Bago simulan ang kanyang New Year’s Day address nitong Miyerkules, sinabi ni Pope Francis na 
“Love makes us patient. So many times we lose patience, even me, and I apologize for yesterday's bad example."

Dali-daling namang ipinagtanggol ng aktor na si Robin Padilla si Pope Francis sa mga pambabatikos at bashers, at matapang na ipinahayag ang pagkadismaya sa mga netizens na ayon sa kanya ay walang respeto sa Santo Papa.


Kaya sa pamamagitan ng isang Instagram post ay dinepensahan ng aktor ang church leader at ibinahagi ang isang lumang litrato nito.


Screenshot of Robin Padilla's post | Credit to his Instagram account
Ayon kay Padilla, natural lang ang naging reaksyon ni Pope Francis dahil makikita naman umano sa video na nasaktan ito sa ginawa ng deboto. 

Kanya ding binigyang diin na kahit pa hindi sila pareho ng relihiyon ng Santo Papa, bilang siya ay isang Muslim, ay ipagtatanggol pa din niya ito, at hiniling sa mga Katoliko na depensahan din ang Santo Papa, gaya ng ginawa niya.

Narito ang buong pahayag ng sikat na aktor: 


"Pati ba naman ang Holy Pope ng mga katoliko binabash! talaga bang wala na talagang respeto ang mga tao? Napanood ko ang video kitang kita sa video na hinatak ng babae ang holy pope habang nasa alanganin na posisyon at sa idad ng holy pope sigurado ako nasaktan siya natural lang na magreact siya. Im a muslim and im defending him i hope the catholics will do the same. May Allah have mercy on us"





Source: Instagram / robinhoodpadilla, PEP Ph