Larawan kuha mula sa post ni Alma Leoligao Suelen |
Mas pinili nalang mga kababayan nating makipagsapalaran sa ibang bansa kahit pa sobrang kalungkutan at pangungulila maibigay lang ang magandang buhay at maiahon sa kahirapan ang mga naiwang pamilya.
Isang Overseas Filipino Worker (OFW) na namamasukan bilang isang domestic helper sa Abu Dhabi na si Alma Leoligao Suelen ang idinaan nalang sa kanyang post sa social media ang naging reaksyon niya tungkol sa nagrereklamong kumare matapos niyang tinanggihan sa hiniling na regalo para daw sa kaniyang inaanak.
"Yuko n tlga mg-accept ng mga pending mssge," saad niya.
"Sa mga inaanak q Mgandang Katulong 😍😂 lng c ninang nio d2 x bnsa ng mga camel at hndi p asawa ng mga crown prince. kya wag mxydong mgdemand tnggapin nio nlang qng anu kyang ibigay n ninang," dagdag niya.
Larawan kuha mula sa post ni Alma Leoligao Suelen |
Pinost din ni Alma ang naging palitan nila ng mensahe ng kaniyang kumare na nag-uumpisa lang sa simpleng "Hi mare kumusta" hanggang sa humingi na ito ng isang Laptop na regalo bilang ito daw ang hinihingi ng inaanak niya mula sa kanya.
"Mare yung inaanak mo kinukulit ako magmessage syo. Malapit na daw pasko," mensahe ng kumare niya.
Sagot naman ni Alma papadalhan niya nalang ang inaanak niya pagka-sahod niya. Ngunit iba pala daw ang gusto ng anak niya na gustong matanggap sa pasko.
"Mare gusto kasi ni [inaanak mo] ng laptop,"
Larawan kuha mula sa post ni Alma Leoligao Suelen |
Tugon ni Alma na wala naman siyang ganun kalaking halaga pambili at kung saan niya huhugutin ang 11k para sa hininging laptop.
Pagpipilit ng kumare ni Alma na kaya naman daw niya ang ipinapabiling regalo ng inaanak at dahil narin sa ilang taon nadin naman daw na hindi siya nakapagbigay ng pamasko dito kaya sana lang ay wag niyang biguin ang hiling ng anak.
"Wla aqng pra n gnyan klaki xka my mga anak aq n need qng bgyan ng sustento," paliwanag ni Alma.
"Pdlhan q nlang c [inaanak] ng 500 iphulog q nlng x smart pdla,"
Pagpipilit ni kumare sa kanya na ano at saan naman ang maaabot ng limang daan na ibibigay niya sa inaanak niya, kulang na kulang pa daw ito sa halaga ngayon ng isang laptop.
"Saan naman makakarating yung 500 mare kulang pa yun pambili ng laptop. Minsan lang naman humiling sayo yung inaanak mo. Pagbigyan mo na,"
Larawan kuha mula sa post ni Alma Leoligao Suelen |
Maayos na ipinaliwanag ni Alma sa kumare niya na wala talaga siyang ganung halaga na pera at sa katunayan pa daw ay nanghihiram nga lang din daw ito ng pera sa kapatid para may ipambili ng mga pamasko sa mga anak, kaya 500 lang ang kaya niyang ibigay sa inaanak.
"Manghiram ka nalang uli sa kapatid mo mare para mabilhan mo si [inaanak mo],"
"Wag na daw mare nagtampo ma inaanak mo yun kasi talaga gusto nya makuha ngayong pasko. Minsan lang naman humiling yung bata syo nabigo mo pa,"
Larawan kuha mula sa post ni Alma Leoligao Suelen |
"Ilang taon naman na hindi nakapamasko si [inaanak mo] sayo mula noong nag baroad ka tpaos 500 lang ibibigay mo sa kaniya sana namana mare tinupad mo yung matagal ma nyang wish,"
Sa hiwalay na post ni Alma sa kaniyang social media account, pi-nost niya ang patunay na nagpadala na siya ng kanyang nakayanan lamang na pamasko.
Ito ang kanyang post:
Dear Mardz,
Snsya n yan lng tlga kya qng ibigay x inaanak q cnamahan q n dn yn ng pmasahe nio ppuntang SM pra hndi mbwasan ung 500 ng inaanak q yaan mo mardz pg mging kbiyak q ung isa x crown prince d2 hndi lng laptop ibbiigay q 😅😅 x ngaun pgpsnsyahan nio mna yan lng ung kya qng ibigay.
x inaanak q sori nak ganda lng mron ninang mo 😜😜
Ngmmahal,
Mganda Mong Kumare 😂😂
***
Source: Alma Leoligao Suelen 1, 2
Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!