Netizen ibinahagi ang bagong modus ng mga kawatan gamit ang isang sikat na online shopping site - The Daily Sentry


Netizen ibinahagi ang bagong modus ng mga kawatan gamit ang isang sikat na online shopping site



Viral sa social media ang post ng netizen na si Jaydee Mendoza. Ito ay matapos niyang ibahagi ang bagong modus ng masasamang loob gamit ang online shopping site na Lazada.

Sa Facebook post ni Mendoza, nagbabala siya na huwag umanong ibibigay ang personal information kahit na kanino dahil gagamitin ito upang makapanloko ng kapwa.

Kwento ni Mendoza, nagulat siya ng may magtext sa kanya at nagpakilalang delivery person ng Lazada. Hinihingi ang kanyang pangalan, address at valid ID para kumpirmahin ang order niya.

Ayon kay Mendoza, matagal na umano siyang hindi umoorder sa Lazada kaya hindi nalang niya pinansin ang text message ng delivery person.

“Matagal2 na kong d umorder sa lazada kaya laking gulat ko ng may mareceive akong text na anjan na daw ung delivery kalerks!!! So ako naman chineck ko agad lazada app ko to confirm na wala, so wla nga, kaya alam ko n agad na modus to,” ani Mendoza.

Ngunit makulit ang delivery person at paulit-ulit ang pagsesend niya ng text messages kay Mendoza kaya naisip niyang sakyan ang panloloko sa kanya. Hindi naman akalain ni Mendoza na mas ikagugulat niya ang magiging sagot ng delivery person nang tanungin niya kung ano ang order niya at magkano.

Ang order umano ni Mendoza ay isang vacuum cleaner na nagkakahalaga ng P12,000.

kala siguro neto ni kyah e madadale nia ko sa pa-Vacuum nia na worth 12k.”

Sa huli ay pinagsabihan ni Mendoza ang manloloko na maghanap buhay ng tama at tigilan na ang ginagawang kalokohan.

Ang post ni Mendoza ay umabot na sa 9.5k reactions, 10k comments at 18k shares habang ginagawa namin ang article na ito.

Narito ang buong post ni Mendoza:

LAZADA ORDER? No way🙅‍♂️👊

Mga besh, im posting this for public awareness...

PLEASE DONT GIVE UR PERSONAL INFO TO ANYONE, lalo na kung wla naman talaga kayong order...

Beware of this manlolokong Lazada delivery guy kuno, pasalamat ka kyah at mapagpatol ako ngaung araw na to at sinakyan ko trip mo😜 kala siguro neto ni kyah e madadale nia ko sa pa-Vacuum nia na worth 12k oiii kuya unang una bakit ako oorder ng vacuum aanhin ko yan at worth 12k?!? Goodluck HAHA! At isa pa ni hindi pa nga ko nakapnta jan sa address na bngay mo noh baklng twooo!😡 tpos delivery guy ka biglang naging seller at inooffer na hulugan nalang?!? Ano tooo hahaha

Story: Matagal2 na kong d umorder sa lazada kaya laking gulat ko ng may mareceive akong text na anjan na daw ung delivery kalerks!!! So ako naman chineck ko agad lazada app ko to confirm na wala, so wla nga, kaya alam ko n agad na modus to...And so please read the screenshots of our texts...

Seriously, christmas season na naman kaya marami n namang naglalabasan na mga modus ng masasamang loob para makapanlamang ng kapwa kaya magdoble ingat po tyo mga besh kung maari sabihan na dn ang mga naiiwan sa bahay kng wla naman tyo naibilin e wag tumanggap at magbayad ng basta basta.

PS. Huminto na sa kakatawag at text si kyah nung inawardan at tinalakan ko na...

Calling the attention of Lazada PH, ur company name is being used for a modus. And I, Thank you!

Feel free to share this post pra na rin sa mga family/friends naten na mahilig umorder sa mga online shopping😊

Basahin sa ibaba ang text messages ng delivery person at ni Mendoza: