"Katas ng 3 years na pagiging Factory Worker" OFW couple, nakapagpatayo ng isang magarbong bahay - The Daily Sentry


"Katas ng 3 years na pagiging Factory Worker" OFW couple, nakapagpatayo ng isang magarbong bahay



Ricky Jay Javate at si Sharmaine Fernandez Mamaril. 

Relationship goals kung maituturing ang naipundar na dalawang palapag na fully furnished na bahay ng dalawang magkasintahan na si Ricky Jay Javate at si Sharmaine Fernandez Mamaril.

Nag viral sa social media ang nakakamangha at tunay na nakaka-inspire na post ni Ricky Jay tungkol sa kwento kung paano nila nakamit ang noo'y mga plano lamang at ngayoy napakagandang bahay na kanilang naipundar magkasintahan bilang mga OFW sa Taiwan.

"Katas ng 3 years na pagiging Factory Worker namin dito sa Taiwan. From Paper to Concrete," saad niya.

Kapwa lumaki sa simpleng pamilya sila Ricky Jay at Sharmaine sa Pangasinan kaya't maaga din nilang natutunan ang pagiging masipag at maging masinop sa pera.

Sa post ni Ricky Jay, sinabi niyang nag umpisa din sila sa pagiging jobless at walang perang naitabi bilang ipon pero dahil sa kanilang pagpupursige at tamang diskarte sa buhay ay naisakatuparan din nila at nabigyan ng kulay ang noo'y drawing lang ng kanilang mga plano sa buhay.

Larawan kuha mula sa post ni Ricky Jay Javate 

Paliwanag din niya na ibinahagi niya ang bunga ng kanilang pinaghirapan hindi para ipagyabang ito kundi magbigay inspirasyon kung paano nila naisakatuparan ang lahat pagkatapos ng tatlong taon sa pagtatrabaho bilang mga factory worker sa bansang Taiwan. 

"I didn't post this to brag (magyabang). Gusto ko lang po ishare kung paano namin nagawa ang aming munting pangarap," saad niya.

Nagbigay din si Ricky Jay ng mga tips at mga payo para sa lahat at lalo na para sa mga katulad nilang mga OFW at sa mga nagpapalano pa lang mangingibang bansa.


Narito ang kanilang nakaka-inspire na kwentong pang-Relationship goals:

Finally !!! Our Fully Furnished House 🏠
The True meaning of Relationship Goals.
Katas ng 3 years na pagiging Factory Worker namin dito sa Taiwan 🇹🇼
From Paper to Concrete
From Day 1 to Finish


Larawan kuha mula sa post ni Ricky Jay Javate 

Nabigyan na ng Kulay ang drawing lang naming pangarap noon
Nagstart din kami sa umpisa Jobless at walang Savings , Pero dahil sa team work at diskarte sa buhay natupad din sa wakas.

I didn't post this to brag (magyabang)
Gusto ko lang po ishare kung paano namin nagawa ang aming munting pangarap

Sa mga nagtatanong po kung paano namin nagawa to in just 3 years of time Specially sa mga current Ofw at sa mga nagpapaplano palang mag ibang bansa.

Ito po ang aming Tips and Advices

Tip #1 - Know your Goals
Before ka pumirma ng contrata papuntang ibang bansa Dapat may Reason ka. Dapat may kapalit ang mga taon na mawalay ka sa piling ng yung mahal na pamilya.

Tip #2 - Planning and Budgeting
Dito sa #2 papasok yung computations .
Sa unang buwan ng sahod mo, Malalaman mo na agad ilan malinis mo every month , Kaltas mo expenses and padala . Yung tira savings a month Times mo sa month ng contrata mo .


Larawan kuha mula sa post ni Ricky Jay Javate 


Dapat di lalagpas sa maximum ng kayang mong kitain ang Goal mo .Pangarapin lang natin yung kaya ng Income . Kasi kung hindi masasaktan tayo sa Expectation VS Reality .
Mangarap ng simple pero magsumikap ng malaki .You need to have a Target every month .

Tip #3 - Be Consistent
From first to last month ng contrata mo dapat di ka papalya sa Monthly Target . 

Kung kaya mag titiis mag tiis , Stay away sa mga gala , foodtrip at gadgets . Number one tip "MagTipid"

Tip #4 - No Excuses
Number 1 reason kung bakit di natutupad ang mga gusto natin dahil sa mga excuses.

Excuses are not allowed pag may pangarap ka . Sabi nga nila . Don't stop when your tired , Stop when your Done . hahaha


Larawan kuha mula sa post ni Ricky Jay Javate 

Tip #5
-Last but not the least Wag makakalimut sa taas . Ano man ang nararating natin sa buhay dahil yun kay Ama . At kung ano man ang bigat na iyong pinagdaraaanan ngaun . Wag susuko.

Sana po nakatulong sa inyo mga kababayan ang aming mga tips . 😁 Godbless Us all

Furniture DEALS Philippines po galing ang aming mga furnitures , Good Quality sa mababang presyo .Highly recommended 👌

***

Source: Ricky Jay Javate

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!