Kumare, galit sa Ninang ng anak matapos pinost ang usapan nila sa chat: "Sayo na yang pera mo!" - The Daily Sentry


Kumare, galit sa Ninang ng anak matapos pinost ang usapan nila sa chat: "Sayo na yang pera mo!"



Larawan kuha mula sa post ni Alma Leoligao Suelen

Dahil sa ipinost na mga larawan at reaksyon ni Alma Leoligao Suelen, isang ninang na Overseas Filipino Worker (OFW), namamasukan bilang isang domestic helper sa Abu Dhabi, UAE, sa kanyang social media account tungkol sa naging usapan at kinahahantungan ng simpleng pangangamusta ng kumare niya ay nagalit ito sa ginawa niyang aksyon.

Ibinahagi kamakailan ni Alma sa social media ang mga kopya ng mga larawan ng naging usapan nila ng nanay ng kanyang inaanak sa chat.


Hindi naman ito ikinatuwa ng kumare niya kaya ito nagalit sa kanya.

"Bakit mo pinost yung chat natin. Nagpapasikat kaba," saad ng kumare niya sa chat.

Larawan kuha mula sa post ni Alma Leoligao Suelen


Humiling ng isang laptop na nagkakahalagang 11k ang kumare ni Alma bilang ito daw ang hinihinging regalo ng inaanak niya dahil narin daw sa matagal na taong hindi rin siya nakapag-bigay ng pamasko.

"Hindi mo na nga mabibigay yung gusto ng inaanak mo post mo yung chat natin. Iba na talaga nagagawa pag nag aabroad ang tao yumayabang na masyado,"

"Hayaan mo hindi na mamasko sayp si [inaanak mo],"

"Masaya kanaba sa ginawa mo. Tao nga naman nagkaepra lang sa pag aabroad akala mo kung sina na,"

Sagot ni Alma sa mga naging banat ng nanay ng kanyang inaanak na hindi siya nagpapakahirap sa pagtatatrabho sa ibang bansa para lang ipamigay sa hiningi nilang regalo.

Larawan kuha mula sa post ni Alma Leoligao Suelen

"Ai nku mardz prang d mo nman aq klala mtgal n qng myabang tnong mo p x mga kpitbhay q 😅😅,"

"FYI hrap kya bmukaka d2 x abroad 😜😜 tpos ibbigay q lng x inio...balakajan FB q 2 ippost q qng nu ang gus2 q ✌✌ chill lng mardz mgppsko p nman 😅😅," saad ni Alma sa kanyang naturang post.


Marami rin sa mga netizen ang hindi mapigilang magbigay ng komente tungkol sa naging asal ng nanay ng inaanak ni Alma:

Sino ba naman ninang ang matutuwa kung mag dedemand ng ganyan ? mga p*tangina, ano nag abroad tayo para sa mga inaanak ? MGA K*PAL ! - Rufa Adam Rias 

Nakakagigil po ang ganyan, mas demanding pa sa pamiLya at mga TOTOONG anak.. Ang pagkuha ng ninong/ninang ay para maging pangalawang maguLang, hnd para hingian ng Luho ng anak.. Tsktsk! - Joyce Abrigo 

Hnd pinupulot ng mga OFW ang perang pinadadala nla sa kanilang mga pamilya. Yang luho, NILULUGAR YAN! - Rikki Rose Dabatos 

***

Source: Alma Suelen

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!