Filipina Doktor, hindi nakapagtimpi sa mga nagmamarunong tungkol sa nCoV - The Daily Sentry


Filipina Doktor, hindi nakapagtimpi sa mga nagmamarunong tungkol sa nCoV




Deretsahang pinatulan ng isang doktor na ito ang mga netizen. Ito ay sa gitna ng mainit na diskusyon sa social media tungkol sa paglaganap ng sakit na dala ng novel coronavirus (2019-nCoV).

Matapos subukang manahimik para hindi na makasali sa gulo ng magulo nang usapin, hindi na nakapagtimpi si Dra. Lotis Casiple-De Guzman na ibulalas ang kanyang saloobin sa opinyon ng mga netizen; para na rin tuldukan ang maling paniniwala ng mga ito.

Sa pamamagitan ng isang Facebook post, idinetalye ng doktor ang kanyang punto.

"I have been trying to hold my peace for quite sometime regarding the issue on nCov. Ayoko sanang pumatol sa mga maraming nagfe-feeling all-knowing, overnight experts, giving their left and right baseless opinions." panimula nya.

"Mga sobrang triggered, that others even blatantly wish death for our dear health secretary and his family. Meron ding mga walang bukang bibig kundi “wala kayong ginagawa!”. Patola ako ngayon. Isa-isahin natin." paliwanag pa ng doktora.

Basahin ang kanyang patas at lohikal na eksplanasyon:

I have been trying to hold my peace for quite sometime regarding the issue on nCov. Ayoko sanang pumatol sa mga maraming nagfe-feeling all-knowing, overnight experts, giving their left and right baseless opinions. Mga sobrang triggered, that others even blatantly wish death for our dear health secretary and his family. Meron ding mga walang bukang bibig kundi “wala kayong ginagawa!”. Patola ako ngayon. Isa-isahin natin.

Una: “Hindi tayo handa. Walang ginagawa ang DOH. Heightened alert daw sa airport eh wala namang talagang ginagawa at kulang sa gamit. Thermal scanner lang. Paano pag walang lagnat, eh di nakapasok na ang mga intsik at magkakalat na virus! Walang guidelines!”


Kung marunong ka lang makinig ng totoo mula ng pumutok ang balita sana naintindihan mo na ang DOH ay umaksyon agad. Inalerto ang lahat ng points of entry. Quarantine people manning our ports and airports did not think twice or even consider their safety and carry on w/ the orders given to ensure that all passengers coming in are symptom free. Wala po kayo dun. Wala kayo sa frontline. Hindi nyo nakikita na 24 oras ang pagbabantay na ginagawa. Iniisa-isa ang pasahero. Pag may sintomas, ini-examine. May guidelines po (opo meron!) na sinusunod kung sino ang dapat ipadala sa hospital at hindi. Pinaliwanag na rin yan. May lagnat, ubo, sipon, at galing sa mga lugar sa china na may outbreak ay classified as person under investigation (PUI) at siguradong ilalagay under quarantine. Napanood mo sa TV yan hindi ka lang nakinig! Kung walang sintomas at hindi pasok sa criteria wala tayong karapatang pigilan ang sinoman makapasok sa bansa. Intsik man sya. Wala pa po tayong travel ban for china same with other countries . (Yes, hindi lang tayo!)
Hindi tayo handa? Eh sino ba ang ready sa pagdating nito? Kaya nga even other countries like US are still trying to cope up with it.

“Paano kung nakapasa sa examination? Papapasukin ng bansa ng ganun-ganun lang?” Friend, hindi mo alam ang effort with a capital E bago sila pakawalan. Pipilitin na ipaliwanag ng mabuti... kahit na madalas lost in translation (dito ako nagpapasalamat sa english to chinese Google translate!) na kailangan pumunta sa pinakamalapit na hospital pag nagka-sintomas. Dito pumapasok ang di matatawarang serbisyo ng mga kapatid natin sa mga hospital institutions.


Pangalawa: “Sige pagtakpan nyo pa! Marami ng positive sa nCov ayaw nyo lang sabihin!”

Hala! Tigil-tigilan nyo na kasi ang pag-iisip ng ka-etchosan na conspiracy theory. Masyado na atang na-apektuhan ang karamihan ng mga telenovela na pinapanood kaya akala lagi may cover-up. Again, from the beginning the DOH posted news bulletins regarding nCov and regularly holds press briefing about PUI cases and their status. The department has been transparent....Ayaw mo lang talaga maniwala! Mas pinaniniwalaan mo pa ang mga fake news. Zero (0) confirmed case in the Philippines. Ayaw mong maniwala! Gusto mo meron?! Mag-isip ka naman. Bakit kailangan pagtakpan kung meron? Anong special sa atin para pagtakpan even ng WHO? Tuwing magsasalita si Sec. Duque, kasama nya si Dr. Rabindra Abeyasinghe, Officer-in-Charge and Acting WHO Representative just to assure everyone that we are coordinating with them and following the organization’s protocol.
O ayan meron na positive case! Masaya ka na?
Hala eto pa, after hearing the announcement: “Sinasabi ko na nga ba may pinagtatakpan kaya ngayon lang sinabi na may positive na!” Pssst... hindi mo ba narinig kakarating lang ng result from Australia. Mainit init pa.

Pangatlo: “Ano ba yan, wala tayong pang test ng nCov! Kailangan pang isend abroad?! Eh blood sample lang naman ang itetest!”

Galing. Tsk tsk... Friend, basa din pag may time. Ang ibig sabihin ng nCov ay NOVEL Corona Virus. Novel virus sabi ni Wikipedia (dahil mahilig naman kayong mag refer kay Google) “Is a virus NOT SEEN BEFORE. It can be a virus that is isolated from its reservoir or isolated as the result of spread to an animal or human host where the virus had not been identified before.” Yan ang dahilan kaya po wala pang available na specific test dito sa atin. Ganyan din po ng nagsimula ang SARS, MersCov na ngayon ay meron na tayo. Yan ang dahilan kaya need natin isend sa reference laboratory abroad. Hindi rin po tayo ang tanging bansa na ganito ang sitwasyon. Hinihintay lang po nating dumating yung mga kailangang reagents at primers for nCov para hindi na natin ipagawa ang test sa iba.

“The RITM has the skills and capacity to do testing but we must acquire the reagents and the primer of this novel coronavirus,” according to Sec. Duque. Totoo po yan kasi Biological Safety Laboratory Level 3 (BSL3) Facility po ito. Hindi mo maintindihan? I-google mo na lang para naman makapagbasa ka ng tama. Narinig mo ba yan kahapon sa Congress inquiry? Hindi. Kasi mas na-appreciate mo ang sinabi ni Senadora na gusto nya i-ban ang mga chinese because she values the health of the Filipino people.
Hay. At nga pala ang test po para sa nCov ay hindi simpleng blood test lang. kung nakinig ka sa sinabi sa congress kahapon nalaman mo sana na SIPON ang kinokolekta (nasopharyngeal and oropharyngeal swab).

Pang-apat: Bakit handwashing?
Eh nasa hangin ang mikrobyo? Hay. Ayan ka na naman. Ang mode of transmission po ay respiratory droplets. Di hamak na malaki at mabigat kumpara sa mikrobyo na airborne kaya malamang na maiwan sa mga bagay at puedeng mahawakan mo ito pag may bumahing o umubo. At dahil mabigat sya hindi kayang tangayin ng hangin, kataas-taasan ay isang metro ang puedeng landingan.

How can we protect ourselves? It all boils down to basic handwashing, cleanliness, keeping ourselves healthy and proper protection.
Opinyon ko lang ang mga ito. Sana kesa maging negatibo tayo dapat maging mapanuri, appreciative at matalino.

Kudos to all healthcare workers. We are on the frontline of this battle and we are doing our job the best we can.

Source: Lotis Casiple-De Guzman