Estudyanteng nagtitinda ng pastillas, napaiyak sa di inaasahang ginawa ng mga lalaking nag-iinuman - The Daily Sentry


Estudyanteng nagtitinda ng pastillas, napaiyak sa di inaasahang ginawa ng mga lalaking nag-iinuman





screenshot mula sa video ng SabrinaCo Footwear



Marami ang na touch sa isang agaw eksenang viral video ng isang estudyante na nagtitinda ng pastillas na lakas loob nagbenta sa mga nag-iinuman.

Sa umpisa ng video, iisipin ng makaka nood ng video na pag ti-tripan lang siya ng mga lalaking nag iinuman, ngunit laking gulat niya sa ginawa ng isang lalaki.


Sa isang video na ibinahagi ng SabrinaCio footwear sa Facebook sa kanilang page, makikita ang paglapit ng estudyante sa mag kakaibigang nag iinuman at ino-offer ang kanyang panindang pastillas.

Nang ialok niya ang paninda, ininterview pa siya ng mga ito kaya naman aakalain na siya ay pag ti-tripan at tila kinakabahan.

Tinanong ng isa sa mga lalaki kung bakit nag titinda ang batang estudyante, at sinabi nito na para ito sa pang tustos ng kanyang pag aaral.

Nang tanungin ang tindero kung magkano ang kanyang kinikita mula sa pag titinda, sinabi niya na nasa P1000 ang kanyang kikitain kung lahat ay mabebenta.

Nang malaman ito, nag desisyon ang isang lalaki na bigyan na lang ng isang libu ang estudyante para ito ay makauwi na sa kanyang pamilya.

Maya-maya pa ay dinagdagan pa nito ang perang binigay at ginawang P1500 dahil bisperas naman ng bagong taon.

Dahil dito, naluha ang tindero sa ginawa ng lalaki. Hindi na rin niya kinuha ang mga paninda sa sobrang tuwa.


Dagdag pa ng lalaki, biyaya daw ng Pangilnoon ang perang binigay niya at doon dapat magpasalamat. Sinabi din nito na sila ng mga kaibigan niya ang sasagot sa handa pag naka graduate na ang tinderong estudyante.

At habang papalayo, sinabi ng mabait na lalaki na hanapin nalang umano niya ang SabrinaCio footwear sa Facebook na kanilang pagmamay-ari para malaman nila kung ga-graduate na ito.