British national, naging palaboy matapos iwanan ng ka live-in na Pinay, nanawagan ng tulong - The Daily Sentry


British national, naging palaboy matapos iwanan ng ka live-in na Pinay, nanawagan ng tulong



Larawan mula kay Jimmy Barimbad
Viral ngayon sa social media ang post ng isang netizen na si Jimmy Barimbad, kung saan ay ibinahagi nito ang nakakalungkot na kalagayan ng isang british national matapos iwan ng ka live-in partner na pinay.

Ayon kay Jimmy, humihingi ng tulong ang 74-years-old na british national na si David Dobson na makauwi sa kanilang bansa.

Naging palaboy at walang sariling tahanan si David matapos siyang iwan ng kanyang kinakasama.

Kwento pa ni Jimmy, napadpad si David sa isang simbahan ng Cebu at doon ay mayroon tumulong sa kanyang nag-ngangalang Julie Ann na ngayon ay tumutulong sa kanya para bigyan ito ng makakain sa pang araw-araw.

Payat, mabaho at may lagnat umano si David ng una nila itong makausap kung kaya naman hindi na umano nagdalawang isip ang taga-simbahan na tulungan ang pobreng dayuhan.
Larawan mula kay Jimmy Barimbad
Napag-alaman din na sa bundok na malayo sa kabihasnan nakatira ngayon si David at natutulog lamang sa maruming higaan na walang unan at kumot.

Larawan mula kay Jimmy Barimbad
Dahil dito ay naawa si Jimmy sa kalagayan ng dayuhan kung kaya naman napagpasyahan nitong patuluyin na muna si David sa kanilang sariling tahanan habang inaasikaso nila ang pagbalik nito sa kanilang bansa.

Ngunit hindi naging madali ang pag-aayos nila ng mga papeles ni David dahil wala na daw umanong british console sa Cebu.

Kung kaya naman nanawagan ito sa mga netizen na i-share ang kanyang post upang matulungan ni David dahil mas mapapadali umano ang pag-ayos ng kanyang papeles sa Maynila.

Basahin ang buong post ni Jimmy sa ibaba:

"Paki share nlng natin mga ka FB , Sana matulongan naman natin itong isang british national na si DAVID DOBSON 74 YRS.OLD. ito po ay iniwanan ng kanyang ka live in na filipina at nagpalaboy laboy nlng sa lansangan na walang makakain , At mabuti nlng nakadaan sya sa isang simbahan ng SEVENTH DAY ADVENTISH CHURCH dito sa sibonga chapter at duon nka usap nya si maam julie ann at ang unang sinabi ni david ay pakainin sya kasi 3 days na raw sya na walang kain. 

"Payat, mabaho at may sakit pa na ubo at lagnat. At sa awa ng buong simbahan pinapagamot at dinala ng hospital gastos ng simbahan. So sa madaling sabi gumaling sya sa kanyang lagnat pero ubo nya meron pa . 

"So days passes by and after church service every saturday afternoon binibigyan namin sya ng pera good for the whole week pra pambili nya ng pangkain hanggang mka abot next saturday .tinatanomg namin sya kung saan sya nauwi sinabi nya ang isang lugar nasa bundok at napakalayo sa bayan ng sibonga. Ito ay kwento nya na natutulog lng daw sya sa isang maruming sementong sahig walang unan at kumot.


"Kaya pala mabaho sya dahil walang tubig sa kanyang tinitirhan. Lalo kaming naawa sa kwento nya higit sa lahat ang pakain nya araw araw dahil kung lagi nlng sya malilipasan ng gutom hindi tatagal masisiraan talaga sya ng bait ,yan ang naiisip naming mag asawa so nag decide kami ng mesis ko na dito nlng namin patirahin ng bahay habang tinutulongan namin ni maam julie ann ang pag follow up sa kanyang mga papeles documento especially kanyang passport. 

"But sad to say na wala na palang british console dito sa cebu nasa maynila na dAw. So mga ka FB ito na ngayon ang problema kung paano natin matulongan si david na makauwi balik sa kanilang bansa. Wala syang mga documento especially passport. 

"We're really willing to help david but to go to manila its a big problem financially. Paki share nlng mga ka FB bka merong handang tumolong kay david madala sya sa embassy nila pra mkabalik na sya sa kanyang bansa. Salamat sa nag shares.. and MERRY X-MAS TO ALL AND HAPPY NEW YEAR...

****