Ayon sa isang ulat ng KAMI, pinoprocesso na umano ang
pagpapa-deport sa naging yaya ng anak ni Elloraine Lamb na umagaw din sa
kanyang mister.
Sinabi din na sa tulong ng programa ni idol Raffy Tulfo, papauwiin
na sa Pilipinas si Maria Salvacion Masayon na ayon sa ulat ay maaring nakaposas
pag dumating sa bansa.
Naunang naiulat ang paglapit ni Elloraine kay Tulfo para
humingi ng tulong tungkol sa nangyari sa kanyang pamilya sa Canada.
Inireklamo ni Elloraine ang pang-aahas ng kanyang matalik na
kaibigan sa kanyang asawa sa kabila ng pagtulong nito sa kanya na makapunta ng ibang
bansa.
Tinulungan daw niya si Maria Salvacion or Salve na
makarating sa Canada at makapag-trabaho upang makatulong sa kanyang pamilya at
mapaganda din naman ang kanilang buhay.
Nagpasya daw si Elloraine na ayusin ang papel ng kaibigan upang
kunin nya bilang nanny o yaya ng kanilang anak para magkaroon din ito ng
opportunity at later on ay maging isang ganap ding Canadia citizen.
Kaya naman hindi inaasahan ni Elloraine ang ginawa sa kanya
ng matalik na kaibigan na naging bangungot sa kanyang buhay.
Nang dumating daw si Salve sa buhay nilang mag asawa ay
naging malapit ito kalaunan sa mister ng ginang. Madalas daw niya itong
makitang naka shorts ng sobrang ikli at nagsusuot ng manipis na pang itaas.
At dahil walang lihim ang hindi nabubunyag, dumating din ang
araw kung saan nalaman at nakumpirma ni Elloraine na may relasyon na nga ang dalawa.
Nang marinig ni idol Raffy ang sinapit ni Elloraine, walang
pag aatubili ang kanyang pag tulong sa ginang.
Tinulungan ng programa ni Tulfo si Elloraine na maipa-deport
si Salve pabalik ng Pilipinas. At ayon pa sa ulat, sigurado din umano na siya
ay masasampahan ng kaso pagdating sa Pilipinas.