Batang naulila, ayaw umuwi at ayaw umalis sa puntod ng kanyang mga magulang - The Daily Sentry


Batang naulila, ayaw umuwi at ayaw umalis sa puntod ng kanyang mga magulang



Larawan mula kay Azuan Shamsuddin

Viral sa social media ang dalawang taong gulang na batang lalaki dahil sa nakakaantig na kanyang kwento, matapos sumakabilang buhay ang kanyang mga magulang at maaga itong naulila sa kanyang murang edad.

Ayon sa kwento na ibinahagi ng netizen na si Azuan, ayaw umalis ng kanyang pamangkin na si Arfan sa puntod ng kanyang mga magulang na umaasa pa rin makikita at mayayakap pa niya ang kanyang mahal na ina at ama.

Umabot na sa mahigit 3,500 shares 500 comments at 4,000 na reactions mula sa mga netizens ang nasabing post.

Napag-alamang namaalam ang mga magulang ni Arfan sa hindi inaasang 4ksidente nang mabangga at tumilapon ang sinasakyang motorsiklo ng mga ito.

Kwento ni Shamsuddin, bumisita sila sa puntod ng mag-asawa dahil palaging tinatanong ng paslit ang kanyang mga magulang na halatang miss na miss at sabik na sabik na ito sa mga yakap ng kanyang magulang.
Larawan mula kay Azuan Shamsuddin
Larawan mula kay Azuan Shamsuddin
At nang nandoon na sila ay sinabi  ni Shamsuddin sa bata na nasa loob ng buhangin nakatira ang ina at ama nito.

Nabigla naman ito matapos mapansin biglang umanong umupo si Arfan sa buhangin at tila kinakausap nito ang kanyang mga magulang na halatang miss na miss na niya ang mga ito.

Sumisigaw din ang musmos ng “Mom! Mom” na tila nagbabakasakaling makikita at mayayakap muli ang pinakamamahal niyang ina.

Ayon pa kay Shamsuddin, ayaw na umanong umuwi ni Arfan kahit anong pilit nito at sinabing mas gusto na nitong manatiling nakaupo sa buhangin.
Larawan mula kay Azuan Shamsuddin
Larawan mula kay Azuan Shamsuddin
Basahin ang buong post sa ibaba:

“This evening brought to abi and mother’s grave, like to talk to mom. When you say mom here she also lives bu bu like calling. Don’t want to go home, like to stay playing sand there, at home don’t play sand at home.

“Allahu clearly saw him missing, pull his hand to go back. Later we will mai again ye arfan”, kabuuang post.

Madami namang netizen ang naging emosyonal sa pinagdadaanan ngayon ng musmos na si Arfan.

Ipinangako naman ni Shamsuddin na makakaasa ang karamihan na maayos nilang papalakihin ang batang si Arfan at sisiguraduhing may takot ito sa Diyos.

***