Bagong Taxi Scam sa Terminal 3 Ibinunyag ng isang Netizen - The Daily Sentry


Bagong Taxi Scam sa Terminal 3 Ibinunyag ng isang Netizen



The scammer taxi and the passenger | Photo credit to the owner

Isang concerned netizen ang naglahad ng isang bagong taxi scam na umano ay ginagamit ng mga driver upang mang-biktima ng mga Pilipino commuters.

Ang taxi ay isa sa pinaka-popular na pampublikong sasakyan sa buong mundo. At marami sa mga commuters ang pinipiling sumakay sa pampublikong taxi upang marating ang kanilang destinasyon kahit na may kamahalan ang "fare matrix" nito kumpara sa jeepneys and buses.





Gayunpaman, may ilang mga pasahero na din ang nag-reklamo laban sa mga drivers ng scammer na taxi na umano ay naniningil ng hindi makatarungang pamasahe. Ang ilan sa mga drivers na ito ay hindi daw gumagamit ng "meter-rate fare" at naniningil ng karagdagang bayad sa mga pasahero.

Kamakailan, ang isang Facebook page na may titulong "Houseband and Wifi" ang nagbahagi ng isang kwento ng isang netizen tungkol sa bagong alert sa taxi scam na ginamit upang mabiktima ang mga pasahero. 


Screenshot of the post | Photo credit to the Houseband and Wifi Facebook page

Photo credit to the owner
Ang nasabing post ng page na ito ay sadyang nag-viral sa social media at umani ng ibat-ibang reaksyon ng maraming netizens, karamihan ay galit at pagkadismaya sa scammer driver ng nasabing taxi.





Screenshot of Netizens' comments | Credito to Houseband and Wifi's Facebook page

Ayon sa kwento, ang taxi driver ay hindi gumamit ng "meter-rate fare" at siningil ang mga pasaherong galing sa ibang bansa, ng Php 200.00 per kilometer. Ang mga pasahero ay kailangang maglakbay ng 14 kilometers, na nangangahulugang ang kabuuang halaga ng pamasahe nila ay aabot sa P2,800.00 na sadyang lubhang napakalaki kumpara sa usual na binabayad lamang nila dati na Php 500 mula airport patungo sa parehong destinasyon sakay din ng ibang taxi.

Dahil dito, nagpasya ang mga commuter na bumaba na lang ng sasakyan dahil sa mahal na pamasahe na sinisingil ng driver ng taxi at nagbayad lang ng P660. Pinilit din silang sumakay ng bus, jeep at tricycle na lamang kahit malaki ang dalang mga bagahe upang makauwi na ng bahay.

Basahin ang full Facebook post sa ibaba: 





"TAXI SCAM ALERT SA TERMINAL 3

Lumabas kami sa terminal 3 ng bandang alauna ng madaling araw para kumuha nalang ng metered taxi sa kalsada. Hindi kasi ako makapagbook ng grab kasi naiwan ko yong sim ko sa HK. May sumalubong sa amin at tinanong kung saan kami pupunta then sabi ko sa Pasig. Pumasok kami ng pinsan ko sa itinuro niyang nakaparadang taxi pero pumasok din yung lalaki na barker at umupo sa tabi ng driver at nagusap sila ng lenguaheng hindi namin maintindihan sa loob ng taxi pero hindi ko masyado pinapansin kasi pagod na kami at wala pang tulog. Ang gusto Lang namin makauwi na at makapagpahinga. Then umandar na yung taxi pero hindi bumaba yung barker. Doon na ako napaisip at nagtaka at tinanong ko kung bakit May kasama siya. Ang sabi karelyebo daw.

Napansin ko din na wala sa screen kung saan makikita mo yung price ng fare mo since metered rate naman siya. Nakita din ng kasama ko na merong wire na kinikiskis ng barker. Habang umaandar, sinabi nila na 200 daw per kilometer. Then tinanong ko kung ilang kilometers hanggang Pasig. 14 kilometers daw. So kinumpute ko bale 2,800.00 lahat. Doon na ako naalarma anticipating na 800 nalang natira naming pera. So sabi ko bakit ganon ang mahal naman! Usually fare Lang namin more or less 500 eh metro din naman yung sinasakyan namin before.

Then nakipagargue na sila. Sabi ko ibaba nalang kami at ihininto nila yung sasakyan pero ibinaba kami sa walang katao tao at sa gitna pa ng kalsada. Siningil kami ng 660. Ayoko sana bayaran kaso naglabas na ng pera yung pinsan at ibinigay na yung 700 baka mapahamak lang daw kami at masaktan kung makipagtalo ako. Ang lalaki pa naman nilang mga tao. Matindi ata pangangailangan nila at hindi pa ibinigay yung sukli namin kasi agad nilang pinaharurot yung sasakyan nila. Ayun mukha kaming tanga sa gilid ng kalsada which is true naman. ANG TANGA NAMIN. Hahahahaha. Then sabi ng ale na nakausap namin pinakamataas na daw yung 100 na pamasahe from terminal 3 gang sa pinagbabaan sa amin. Ayun nagbus, Jeep at tricy nalang kami pauwi na may mga dalang bagage. Pero thanks God safe and sound parin kaming nakauwi sa bahay. Pera Lang yun at least di kami nasaktan.

Nakakatroma lang kasi feeling mo komportable kana at akala mo kampante kana sa sarili mong bansa pero dito ka parin pala mapapahamak. Nakakalungkot"






Source: Houseband & Wifi