Diama Kim and her homeless, long-lost dad | Photo credit to Diana Kim Photography |
Narito ang isang napakaganda ngunit sadyang nakakaiyak na storya ng buhay ng isang babaeng photographer na nawalay sa kanyang ama at nakatagpo muli ito dahil sa kaniyang adbokasiya na tumulong sa mga homeless at pulubi sa kalye.
Siya ay si Diana Kim, 30 years old, photographer na naka-base sa O'ahu, Hawaii. Isa din siyang law student at may sarili na ding pamilya.
Diana Kim | Photo credit to NBC News |
Diana Kim with her Father, 1988 | Photo credit to Diana Kim |
Bata pa lamang si Diana ng maghiwalay ang kanyang mga magulang. Matapos ang kanyang ikalimang kaarawan, madalang na lamang niya makita ang ama hanggang sa tuluyan na nga silang nawalan ng komunikasyon at hindi niya na nalaman pa kung nasaan ito. May nagsabi lamang diumano sa kanya na nawala na ito sa tamang pag-iisip ngunit walang nakakaalam kung saan ito naninirahan.
Noong 2003, bilang isang mag-aaral, nagsimula si Kim ng isang photo essay tungkol sa mga pamayanan na walang tirahan at mga pulubi. Ipinagpatuloy niya ang proyekto at adbokasiyang ito ng mga ilang taon.
Nang magsimulang idokumento ni Diana Kim ang mga homeless sa kanyang lugar, nais lamang niyang mapagtuunan ng pansin ang araw-araw na buhay ng isang pulubi. Ngunit hindi niya inakala na dahil dito, magbabago ang kanyang buhay at makikita muli ang nawalay na ama.
Dahil isang araw habang kumukuha siya ng larawan ng mga pulubi sa kalye, isang matandang lalake na pamilyar sa kanya ang kasama sa mga larawang iyon.. Ito ay walang iba kundi ang kanyang sariling ama. Isang pagkakataon na ayon sa kanya ay hindi niya inakala sa halos 25 years nilang paghihiwalay.
Photo credit to Diana Kim Photography |
Nang lapitan ni Diana ang kanyang ama, nadurog ang kanyang puso ng malamang hindi siya nito nakikilala. Sobrang payat, marumi, at wala sa tamang pag-iisip. Sinubukan niyang itong kausapin, ngunit hindi ito sumasagot. Napansin ng isang babae ang ginagawa niya at sinabi sa kanya na huwag na mag-abala dahil ilang araw na daw nakatayo ang lalaki sa lugar na iyon at hindi kumikilos.
Photo credit to Diana Kim Photography |
Sobrang nadurog ang puso ni Diana ng marinig iyon ngunit sumagot lang siya ng kailangan niyang subukan at iyon mismo ang ginawa niya sa susunod na dalawang taon.
At sa loob ng dalawang taon na iyon, binalikan niya ang kanyang ama halos araw-araw, kinakausap at inaalok niya ng tulong. Dito din niya natukoy na ang kanyang ama ay nagdurusa sa matinding schizophrenia at madalas makipagtalo at kausapin ang kawalan. Hindi niya alam kung makakaya ba niyang mapagaling muli ang kanyang ama. Ngunit hindi siyang sumuko.

Hanggang isang araw, inatake sa puso ang kanyang ama at nagpasalamat si Diana na may nag-magandang loob tumawag sa kinauukulan at dinala ito sa ospital. Doon ginamot ang kanyang ama pati na din ang problema nito sa pag-iisip. At magmula noon nagtuloy-tuloy na ang paggaling nito.
Photo credit to Diana Kim Photography |
Sa ngayon ay nasa maayos na kondisyon na ang kanyang ama at proud itong nakabangon sa dinanas na paghihirap. Puno na din ito ng pag-asa na magiging maganda ang kanilang pagsisimula muli na magkasama at bunuin ang mga panahong nasayang nilang mag-ama.
Sa huli nagbigay ng napakagandang mensahe si Diana. Sinabi niya na malaki ang kanyang pasasalamat sa pangalawang pagkakataon na ibinigay sa kanilang mag-ama. Sinabi niya din na dapat ay hindi mawawalan ng pag-asa ang sinuman, sapagkat walang tao ang mabibigo kung hindi susuko. Tulad nilang mag-ama na hindi sinukuan ang isat-isa.
“So long as we are alive in this world, every day is an opportunity to take hold of that ‘second chance.’ There is no failure unless you give up, and he never gave up. And I haven’t given up on him.”, ani Diana Kim.

Photo credit to Diana Kim Photography
|
Source: NBC News, Boredom Therapy