Photo credit to YouTube / Raffy Tulfo in Action |
Matapos kumalat sa social media ang isang road rage video kung saan makikita ang isang lalaking nagmura at nanlait sa nakaalitan nito sa kalsada na kapwa motorista, dumulog na diumano ang mag-asawang biktima upang humingi ng tulong kay Idol Raffy Tulfo.
Mabilis na nag-viral ang video na ibinahagi ng misis ng driver na si Merly Paredes, kung saan kitang-kita ang pagsigaw, pagmumura at pang-hahamak ng lalaking nakilalang si Tomas Joaquin Mendez, isang dating resident trainee sa St. Luke's Medical Center at kasalukuyang doktor at surgeon diumano sa Diliman Doctor Hospital.
Mabilis na nag-viral ang video na ibinahagi ng misis ng driver na si Merly Paredes, kung saan kitang-kita ang pagsigaw, pagmumura at pang-hahamak ng lalaking nakilalang si Tomas Joaquin Mendez, isang dating resident trainee sa St. Luke's Medical Center at kasalukuyang doktor at surgeon diumano sa Diliman Doctor Hospital.
Photo credit to YouTube / Raffy Tulfo in Action |
Kwento ng driver na si Santiago Paredes, nasa tamang linya sila at galing ng tunnel. Paglabas doon ay gusto diumano mag-overtake ng isang sasakyan na hindi posible dahil nasa traffic sila at dahil nasa linya sila hindi niya pinagbigyan mauna ito.
Nung nakalusot sa kabilang linya ang gustong maunang sasakyan, bigla na lang silang binato nito sabay pasok sa gasoline station.
Sinundan ni Santiago ang nambato para komprontahin dahil mali ang ginawa nitong pangbabato sa kanila, ngunit bago pa man sya makapagsalita ay lumapit na ang lalaking driver ng kabilang sasakyan at bigla na lang silang pinagmumura at nilait at kung ano-ano ang pinagsasabi at nanggagalaiti sa galit.
Matapos marinig ang salaysay ng mga biktima, inihayag ni Mr. Raffy Tulfo na kanila ng tinawagan ang clinic ng nasabing doktor at nakausap ang secretary nito ngunit ito daw ay takot magsalita.

Gayunpaman, inilatag ni Idol Raffy ang mga aksyon na gagawin nila sa walang modong motorista.
Una. Ilalakad diumano nila ito sa Land Transportation Office (LTO) at patatanggalan ng lisensya ang motorista dahil sa road rage na ginawa nitong pangbabato sa sasakyan ng mga biktima.
Dagdag pa niya na hindi lamang unang beses ito ginawa ng doktor, kung hindi ay nangyari na din nung nakaraang taon sa ibang motorista na nakuhanan din ng video.
Pangalawa. Patatanggalan nila ito ng lisensya sa Professional Regulation Commission (PRC) dahil sa hindi lamang daw na isang beses itong nagwala. At sadyang mali para sa katulad niya na isang doktor, lalo pa isa siyang surgeon na magpakita ng ganong asal.
Pangatlo. Pwede din daw itong kasuhan ng kriminal na kaso na unjust vexation at child abuse dahil sa pangbabato nito sa sasakyan ng mga biktima na may mga batang menor de edad na sakay.

Tomas Joaquin Mendez | Photo credit to YouTube / Raffy Tulfo in Action |
Photo credit to YouTube / Raffy Tulfo in Action |
Tinanong din ni Mr. Raffy Tulfo kung ano ang gustong tahakin na paraan o proseso ng mga biktima at sagot naman ni Santiago ay gusto lang niyang maturuan ng leksyon and motoristang doktor upang hindi na maulit na gawin niyang magmura at manlait ng ibang tao.
Pangako naman ni Idol Tulfo na gagawa siya ng paraan upang wala ng tatanggap na ospital pa sa nasabing doktor dahil 'balasubas' at 'unstable' diumano ang pag-iisip nito na sadyang lubhang mapanganib na kondisyon sa mga magiging pasyente nito.
Ayon din kay Mr. Tulfo nag-issue na ng 'show cause order' ang LTO laban sa driver at kapag hindi ito sumagot, matatanggalan ito ng lisensya, maliban na lamang daw kung makikipag-areglo ang kabilang panig at mga biktima.
Source: YouTube / Raffy Tulfo in Action