Vendor na Pinalayas sa School, Sinagip ni Idol. Hiling ay Kariton upang Makapaghanapbuhay - The Daily Sentry


Vendor na Pinalayas sa School, Sinagip ni Idol. Hiling ay Kariton upang Makapaghanapbuhay



Photo credit to Raffy Tulfo in Action
Isang vendor na nagngangalang Constantino Jala ang lumapit kay Mr. Raffy Tulfo upang humingi ng tulog na magkaroon ng kariton upang makapag-hanapbuhay at makapagtinda diumano ng scramble at calamares.

Ayon kay Tatay Constantino, nagtitinda siya dati malapit sa isang paaralan ngunit ipinagbawal na ang pag-pwesto ng mga vendors doon. Ang payo raw sa kanila ay gumamit na lamang ng kariton sa pagtitinda upang mag ikot-ikot at maka-paglako sa iba't-ibang lugar. Ngunit dahil sa kapos at hirap sa buhay ay wala siyang pangbili o pang-gawa nito. 





Photo credit to Raffy Tulfo in Action
Sinubukan niya din daw maghanap ng ibang trabaho ngunit hindi siya diumano pinalad.

Kwento din ng vendor, mag-isa na lamang siya sa buhay. Matagal ng hiwalay sa asawa, at ang kaisa-isang anak na pinag-aral niya at sinuportahan ay iniwan na siya simula nung nag-asawa na ito.

Mabilis namang tinugon ni Mr. Raffy Tulfo ang hiling ni Tatay Constantino at sinabing daragdagan pa niya ito ng pangpuhunan.

Bago ipinagkaloob ng programa ang hiling ni Tatay Constantino, kanilang kinamusta muna ang tinutuluyan nito sa Paranaque.

At sa panayam na iyon, lubhang naantig ang damdamin ng staff ng Raffy Tulfo in Action ng marinig ang buong kwento ng buhay ni Tatay Constantino.

Dito isinalaysay ng vendor ang hirap na pinagdadaanan araw-araw simula ng iginapang ang pag-aaral ng anak. Na kahit kapos sa buhay ay pinilit makatapos at maka-graduate ito  na noon ay nag-aaral sa Batangas at pinapadalhan niya ng panggastos sa eskwela.


Photo credit to Raffy Tulfo in Action
Ngunit ayon sa kanya simula ng nakagraduate at nakapag-trabaho ang anak ay hindi na ito sa nagparamdam sa kanya at tila ay kinalimutan na siya.




Sa mga oras na iyon ay humagulgol na sa sama ng loob si Tatay Constantino na sadyang nakakalungkot panoorin. Mismomg ang nag-interview dito ay hindi na din napigilang umiyak sa awa sa matanda.

Gayunpaman kahit hirap sa buhay ay makikitang hindi nawala ang pananampalataya ni Tatay Constantino sa Panginoon at hindi siya kailanman bumitaw sa paniniwala sa itaas.


Photo credit to Raffy Tulfo in Action
Napag-alaman din ng programa na sadyang mabuting tao si Tatay Constantino at maraming bata sa lugar nila na karamihan ay mga suki niya, ang nagmamahal sa kanya. 

At gaya ng ipinangako ni Idol Raffy kay Tatay Constantino, ibinigay ng programa ang hiling nito na siya pa mismo ang pumili ng disenyo.


Photo credit to Raffy Tulfo in Action

Photo credit to Raffy Tulfo in Action

Isang magandang food cart ang ibinigay ni Idol na may kasama ng kagamitan at paninda.

Sa huli sobrang nagpasalamat si Tatay Constantino kay Mr. Raffy Tulfo, at higit sa Panginoon sa biyayang ipinagkaloob sa kanya.





SourceYouTube/ Raffy Tulfo in Action