The living legend Efren 'Bata' Reyes | Photo credit to the owner |
Kilala bilang masayahin at palabiro ang pinakamagaling na billiard player ng bansa na si Efren 'Bata' Reyes kaya naman matutuwa ka talaga sa mga interviews nito.
The living legend Efren 'Bata' Reyes | Photo credit to the owner
|
Ayon kay 'Bata' Reyes, payo na lang niyang mag-aral ng mabuti ang mga kabataan dahil para sa kanya, ito ang mas makatutulong sa kanila balang-araw at hindi diumano ang paglalaro ng bilyar.
Screenshot of Efren 'Bata' Reyes' interview | Photo credit to Twitter / GMA News |
“Kung ako sa inyo, kung nag aaral kayo, mag aral nalang kayo, yan ang makakatulong sa inyo, ang bilyar wala,” sabi niya.
Paliwanag din niya na sa larangan ng larong bilyar, kailangan ang pagiging eksperto upang kumita, kaya mas mabuti na mag-aral na lamang para sa magandang kinabukasan.
“Ang kailangan na kailangan diyan sa bilyar magaling na magaling ka para kumita ka diyan e pag natapos ang pag aaral yan ang makakatulong sayo,” dagdag ng icon.
Sinabi din ng 'The Magician' na hindi madali maging kampeon lalo na kung nag-aaral at naglalaro ng bilyar ng sabay. Mariin niya ding sinabi na ang galing sa bilyar ay tila pansamantala lamang at nawawala din paglumipas ang panahon.
“Ngayon kung nag aaral ka tapos mag bilyar ka, madalang lang yang bilyar pero yung pag aaral tapusin mo muna, eh kapag matanda ka na, kahit mag bilyar ka hindi ka na gagaling,” he said.
Source: Twitter/ GMA News,