Teacher nagulat at naloka sa sulat sa kanya ng Grade 1 student: "I love you Teacher. Sana hindi ka.." - The Daily Sentry


Teacher nagulat at naloka sa sulat sa kanya ng Grade 1 student: "I love you Teacher. Sana hindi ka.."



Photo credit to Mary Rose Rosales' Facebook account

Isang liham para sa isang guro na galing sa kanyang estudyante ang talaga nga namang pumukaw ng atensyon ng napakaraming netizens at nag-viral sa social media.

Ang liham na ito na galing sa isang mag-aaral ng elementarya ay sadyang ikinatuwa ng marami dahil sa kakaibang mensahe na hindi mo aakalaing masasabi ng isang grade 1 student sa kanyang guro.

Ang nasabing liham ay nagsasaad ng pagmamahal ng isang mag-aaral sa kanyang guro at nanalangin na sana ay hindi muna ito pumanaw. Isang mensahe na talaga namang nakakatuwa at nakakaantig ng puso sa sinumang makakabasa.






The student's leeter | Photo credit to Teacher Rosales' Facebook account
"I love you Teacher Mery Rose. Sana hindi ka mam@tay.", sulat ng bata.

Ang guro na nagbahagi ng liham ng kanyang mag-aaral ay si Mary Rose Rosales, nagtuturo sa Saint Michael the Archangel Academy sa lalawigan ng Bataan. Kanyang pinost sa Facebook ang liham na iyon na sadyang ikinagulat niya ngunit ikinatuwa din.

Ang nasabing post ni Teacher Rosales na nilagyan niya ng caption na "Kaloka tong batang to,,kahit ako ayoko pa." ay sadyang nag-viral sa social media at nakapukaw ng atensyon ng maraming netizens na umani ng 181k reactions, 19k comments at 134k shares.



Screenshot of Teacher Rosales' post | Credit to her Facebook account
Ayon din diumano kay Teacher Rosales, sadyang malambing sa kanya ang estudyante niyang iyon at sa araw-araw na nagkikita sila ay palagi siya nitong niyayakap.





Kwento din ng guro na iyon ang unang beses na binigyan siya ng mag-aaral ng sulat at ng mabasa niya ito ay sinabi sa bata na huwag mag-alala dahil hindi pa siya mawawala at papanaw.



Teacher Mary Rose Rosales | Credit to her Facebook page





Source: Mary Rose RosalesCoconuts Manila