Seaman nabiktima ng ‘budol-budol’ sa bus biyaheng Bicol - The Daily Sentry


Seaman nabiktima ng ‘budol-budol’ sa bus biyaheng Bicol



Isang netizen ang nagkwento ng malungkot na pangyayari sa kanyang kapatid na seaman habang bumabyahe ito pauwi ng Bicol. 

Ayon sa Facebook post ni Patricia Ann Tuazon Fuentes, kauuwi lamang ng kanyang kapatid galing sa ibang bansa at bumyahe ito papuntang Naga City sakay ng Philtranco Bus noong January 31.

Habang nasa byahe ang kapatid ni Fuentes ay nakakwentuhan nito ang kanyang katabing lalaki na nagpakilala umanong isang engineer sa barko.

Nang huminto ang bus sa Turbina para sunduin ang ibang pasahero, inalok umano ng hot chocolate ng lalaki ang kanyang kapatid na ininom naman ng huli dahil nahiya itong tumanggi.

"Binilhan naman nung lalake ng hot choco ung kapatid ko dahil nagkakilanlan na ung dlawa at nhiya naman tanggihan ng kpatid ko at ininom naman nya dhil nkita niyang iniinom nung lalake ung kape nya. Hindi nya naman matanggihan kasi di mo aakalaing modus operandi pala yung animal na yun," kwento ni Fuentes.

Kwento ni Fuentes, umabot raw ng isang oras ang stop-over ng bus dahil hindi pa umano bumabalik ang ibang pasahero sa loob ng bus, kasama na rito ang lalaking katabi ng kanyang katabi.

Samantala, hindi na umano makausap ng matino ang kapatid ni Fuentes dahil ‘ngongo’ na ito kung magsalita at tila wala na sa sarili.

Nakita rin ng kunduktor ang lalaking katabi ng kanyang kapatid ngunit nasa ibang bus na ito kaya iniwan na nila.

Pagkadating nila ng Ragay, Camarines Sur ay tsaka lamang nagising ng konduktor ang kapatid ni Fuentes at saka pinainom ng kape. Dito na umano nagsimulang magsuka ang seaman at  nahimasmasan.

Dito na nalaman ng seaman na nawawala ang kanyang backpack na may lamang laptop, perang padala ng kanyang katrabaho na nagkakahalaga ng 900 euros. Maging ang kanyang mga dokumento  tulad ng ID’s, passport at iba pang kailangan para siya ay makagraduate ay wala narin.

Inilapit raw nila ang pangyayari sa Philtranco ngunit iginiit ng bus company na hindi nila ito sagutin dahil wala namang aksidenteng nangyari.

Basahin ang buong kuwento:

"Hi guys! I want to share something with you. Especially to BICOL TRAVELERS. Totoong kuwento po ito akala ko sa TV lang nangyayari. Here's the story.
Imahe mula Wikemedia commons

MODUS NG ATIVAN GANG SA LOOB NG PHILTRANCO:

Pauwi ng Naga City ang kapatid ko galing sa ibang bansa para tapusin ang OJT nya doon because He is a midshipmen in MAAP. So eto na nga, sinalubong namin sya sa Airport nag stay kami sa Cavite for 1week and then naiwan muna xa sa Cavite ng 1week ulit kasi my medical pa sya at mga kailangang tapusin na papers para mkapag graduate siya kaya umuna na kaming umuwi. Nung isang gabi (January 31, 2018) sumakay sya sa Philtranco dala ung mga gamit niya. While on his way to Naga, may katabi siyang lalaki na nagpakilalang Engineer ng barko kaya inentertain naman ng kapatid ko. Maniniwala ka sa mga sinasabi nya dahil mrami tlga xang alam. Hanggang sa kinuha nya ung loob ng kapatid ko at nagkakuhaan na nga sila ng loob.

Binilhan naman nung lalake ng hot choco ung kapatid ko dahil nagkakilanlan na ung dlawa at nhiya naman tanggihan ng kpatid ko at ininom naman nya dhil nkita niyang iniinom nung lalake ung kape nya. Hindi nya naman matanggihan kasi di mo aakalaing modus operandi pala yung animal na yun. 1hr naghintay ung bus sa Turbina pra maghintay ng pasahero na wala pa at ung katabi nalang ng kapatid ko ang nawawala. Habang ung kapatid ko unconscious na dahil my halong drugs at pampatulog ung ininom nyang hot choco. Tinanong nung konduktor ung kapatid ko kung nasan na ung katabi nya sagot naman ng kapatid ko ay ang mukha nyang "wala na siya sa sarili nya." At nkita nung konduktor na andun na sa kabilang bus ung ktabi ng kapatid ko so umalis na sila. Habang pauwi ung sinasakyan na bus ng kapatid ko papuntang Naga City, lahat ng atensyon ng tao sa bus ay nakatutok na sa kapatid ko dahil panay daw salita ng parang ngongo at wala sa sarili at nagsasalita ng tulog. Tinataptap nung konduktor ung kapatid ko para magising pero hindi na magising gising ung kapatid ko kahit anong gawin nla dito. Hanggang sa pauwi na sila at nasa bandang Ragay na sila nung ngising kapatid kokaya pinainom ng kape ang kapatid ko ng konduktor. Pagkagising nya, sumuka sya ng sumuka at lahat ng kinain nya sa Jollibee pti ung pinainom sakanya ay sinuka nya. Jusko buti nalang sinuka. Hanggang sa hinanap ng kapatid ko ung mga gamit niya. Nawawala ung backpack nya na may lamang Laptop, pera na nagkakahalagang 900 Euros na pinadala sakanya ng ktrabaho niya para ipadala sa pamilya niya, passport, ID's, mga papers and documents na kailangan niya para mkagraduate siya, atbp. Nireport niya un sa opisina ng Philtranco at ang sagot sakanya walang sasagutin kahit PISO sa mga gamit na nawala sakanya. At nangyari yung modus na un sa loob ng bus nila. Walang kamuwang muwang ung kapatid ko sa lahat ng nangyayari. Sabi naman ng Philtranco hindi nila sagot yun dahil personal na gamit un ng kapatid ko. Papano ngayun mapoproteksyunan ng kapatid ko ung sarili nya at mga gamit niya kung siya "unconscious" na.

PHILTRANCO, nananawagan ako sa MANAGEMENT ninyo na lagyan nyo na ng CCTV ang mga bus ninyo para sa kapakanan ng mga taong mabibiktima ng ganito. Dahil pati sa ticketing office niyo di niyo kami mabigyan ng CCTV footage kung saan nagpaticket itong gunggong na ito! Di naman kayo pipitsuging Kompanya ultimong CCTV di kayo makabigay ng malinaw na CCTV footage! Kakapanghina diba. Yun lang ho salamat.

"Mike Nieves" is just screen name only."
Imahe mula sa post ni Fuentes

Narito ang iba't-ibang reaksyon ng mga netizens:




***